Kabanata 9

6.3K 100 4
                                        

Kabanata 9

Friends

Tahimik kaming naglakad ni Moira palabas ng room. "Nag-away kayo ni Kev?" As if on cue ay umirap ako sa kawalan. "Oo. You know what? Hindi ko talaga siya maintindihan.."

"Bakit?" Ayaw ko muna sanang magkwento but she's probing.. But I guess, wala naman akong ibang mapagsasabihan kung hindi si Moira. "Sinabihan ako niyang kaibigan mo na nakikipag-flirt daw ako doon sa lawyer na dala ni Mr. Yuan. Anak iyon nong businessman.. Alanga namang magmaldita ako doon, hindi ba? They're his future investors dapat nga ay magpasalamat pa siya!"

Pinagpatuloy ko ang pagkukwento.. Pati iyong maanghang na sagutan namin sa elevator kanina. "Baka nag-selos?"

"Jesus, ano ba ang dapat niyang ipagselos? He was right! He brought me there for work, and I was! Ang di ko maintindihan ay bakit nagiging big deal ito sa kanya gayong di ko siya pinapakialaman?" Nag-igiting ang aking panga dahil sa inis. Naalala ko nanaman kasi iyong akusasyon niyang nakikipag-flirt ako kanina! I could't belive he thinks so low of me!

"You know what, Kei? I've known you both longer than the others.. Nakita ko kung paano kayo nag-away at nagbati almost instantly over the years.. Kaya nga ako ang unang nakapansin na may kakaiba, right?"

I sighed in defeat. "I seriously don't know how to handle all these! Hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend tapos ay ganito pa ang sitwasyon namin? I don't know if he's just power tripping or really sincere about it." ang tinutukoy ay iyong pagiging temperemental ni Kevin. Gamito na siya noon pa man, actually kaming dalawa.. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa isa't isa kami ganoon.

"Whoa, girl! Sino ang malas na lalaki yan?" Halos tumakas ang puso ko nang umakbay sa amin ni Moira si Erik. "Magkaka-boyfriend ka na ba, Kate?"

"Ano bang boyfriend, Erik? Manahimik ka nga jan!" I playfully hit his stomach kaya tumawa siya. Naroon nga sa lobby sina Kevin at ang iba pa naming kaibigan tulad ng sabi ni Moira. "Hey, magkaka-boyfriend na pala itong baby girl natin! Finally!" Fuck! Nanlaki ang mata ko at sinapak ang braso ni Erik. Tumawa siya at nagtago sa likod ni Moira.

"Damn, girl!" Aniya habang natatawa.

"Sino ba iyan, Kate? Kwento ka naman!" Ani Jean. "We used to be bestfriends, bakit wala na akong alam sayo?"

Tumawa ako at niyakap si Jean. "Best friends my ass, Jean." Doon ko nakita ang mukha ni Kevin. Nakasimangot siya at magkasalubong ang kilay. He eyed me angrily bago ako tinalikuran at nagyayang umalis na.

Dahil ayaw na namin manggulo ng driver ay napagdesisyunan namin na mag-lakad nalang papuntang boardwalk, tutal ay malapit lang naman at malamig naman.

Tawa nang tawa si Charles at Erik sa isang bagay na pinagbubulungan nila samantalang si Kevin ay biyernes santo ang mukha. "Ano ba naman itong si Kevin? Damn, bro! Nauubusan ka na ba ng babae at biyernes santo ang mukha mo?" Hagalpak lalo ang tawa ni Erik ng nag-offer pa si Charles ng mga kakilala niyang babae.

Pumalatak lamang si Kevin at umiling. "Damn, shut up. Puro babae ang nasa isip niyo."

Tumawa narin sina Jean at Raven dahil doon. "Wow! Says the biggest cassanova of the 21st century!"

"Bakit ba ako ang pinagkakaisahan niyo?" Like I said, temperemental jerk.

Ilang sandali pa ay naroon na kami sa boardwalk. Taliwas sa inaasahan ko ay maliwanag doon dahil maraming tao ngayong gabi. May mga bars at bazaar sa gilid. It's not lonely at all, parang tuwing gabi lamang ito nagkakaroon ng buhay dahil natatandaan ko kahapon ay walang ganito.

Nagpa-reserve pala sila Erik ng table namin dito para ngayon kaya hindi kami nahirapan maghanap kahit medyo maraming tao ang naroon. It's not actually an enclosed space.. Walang barriers or kahit ano pa man.. It's like.. A big party for everyone. Marami din ang sumasayaw sa buhanginan kung saan may malaking bonfire.

Can't Help Falling In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon