Kabanata 41

4K 56 4
                                    

Kabanata 41

Opposite

"We're here..."

Naramdaman ko ang pagbagal nang sasakyan, at ang pagtahimik ng makina. Bumuntong hininga ako at dumilat. Yeah, we're here...

"Thanks." Tipid akong ngumiti bago binuksan ang pinto ngunit pinigilan ako ni Kevin. Nang lingunin ko siya ay nakaawang ang kanyang mga labi na para bang may sasabihin siya pero hindi niya maituloy. "What?"

"Nothing. See you on Monday. Good night..." He smiled timidly then he let go of my hand. Pagkababa ko ay dirediretso na akong naglakad papasok ng building nang hindi nililngon si Kevin. Pagkasakay ko sa elevator ay tanaw ko parin ang Strada ni Kevin na nakapark sa harap ng entrance, nakababa ang bintana at nakatingin sa akin.

My heart skipped a bit because of that. Dahan-dahang nawala si Kevin sa aking paningin ng sumara ang pinto ng elevator. The elevator ride was really slow. The whole time I was inside, all I could think of was Kevin's tight arms around me. Humigpit ang kapit ko sa jacket ni Margaery na para bang may kakaibang fabric memory ang mga bisig ni Kevin doon.

Pumikit ako at hinayaan ang sariling damhin ang sari-saring emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hinayaan ko muna ang sarili kong ma-miss si Kevin kahit sandadli. Giniba ko ang mga pader na pilit kong itinatayo nitong mga nakaraang linggo para makaramdam ng panadaliang ligaya mula sa mga yakap ni Kevin.

I smiled to myself when I felt that my eyes are watering. Yeah, of course... It hurts. Of course it hurts. This is self-inflicted pain. Ako ang may kasalanan nito.

Nang tumunog ang elevator, senyales na nasa tamang palapag na ako ay pinahid ko ang aking mata at diretsong naglakad patungo sa unit ni Margaery. Mabuti na lamang at naisuksuk ko sa bulsa iyong key card ni Margaery. Dahan dahan pa ang pagpasok ko dahil baka tulog na ang dalawa.

Laking gulat ko nalang ng pagkabukas ko ng pinto ay nanunuod parin silang dalawa. Nilingon ako ni Margaery, agad siyang tumayo nang natanaw na naroon na ako. "Bakit gising pa kayo?"

"We were worried! Anong nangyari? Did he hurt you?" Sunud-sunod na tanong ni Margaery habang tiningnang ang kamay ko. "What happened?"

"Nothing happened. Nag-usap lang kami..." I answered simply. There's nothing to tell.

"Hindi kami mapakali ni Myrcella kanina pa! It's 3am! At hindi mo nadala ang phone mo! We didn't know what to do but wait! Thank God you're okay!" Myrcella said hysterically. Natawa na lamang ako sa reaksyon ng dalawa.

Naglakad ako patungong kitchen para uminom ng tubig na kasunod ang dalawa. "Ayos ka lang ba talaga? You look different... Hindi ka talaga sinaktan ni Sir?"

"Marg, he's Kevin. Hurting me is probably the last thing in his mind..."

"Kasi kanina parang manunutok na siya! Kung nakita mo lang kung ano ang reaksyon niya nang sinabi kong wala ka na dito at umuwi ka na!" Ani Margaery at nagmura. "Akala ko ay sisisantehin niya ako!"

Tahimik lang akong nakinig sa mga sinasabi nila habang umiinom ng tubig. "Nasaan yung fries?"

"Ubos na. Nag-stress eating tuloy kami dahil sa inyo!" Reklamo ni Myrcella.

"What? That's three bff fries! Naubos niyong dalawa?" Unbelievable! That's a lot of fries!

Hindi nila ako tinigilan. Patuloy sila sa kwento at mga hakahaka nilang baka sinaktan ako ni Kevin nang higitin ako mula sa kanila.

The weekend went by fast. The next thing I know is I'm on my way to work. Maaga akong pumasok dahil ayaw kong maipit sa traffic. Pagkadating ko sa basement parking ay sumaludo pa sa akin ang guard. "Good morning, ma'am Kate! Narito na po si Sir Kevin!" Nginitian ko na lamang iyong guard na palaging nagsasabi sa akin kung nasaan si Kevin.

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon