Kabanata 10
Behind
Nakatulog ulit ako. Maybe I wanted to avoid the awkward moments or I'm just really tired.
Ilang minuto pa akong nanatili na nakapikit bago ko napagdesisyunan na mag-bathroom. Idinilat ko ang mata ko at laking gulat ng dibdib ni Kevin ang sumalubong sa akin.
Shit! Hindi ko namalayan na yumakap ako sa kanya! Agad ay napabangon ako dahilan kung bakit nalaglag ang kamay ni Kevin na nakapulupot sa aking braso dahilan kung bakit din siya nagising.
Hindi ako nakapagsalita. Nakita kaya kami ni Jean? Oh, God! I'm overthinking again! Sa kanilang mga mata ay matalik kaming magkaibigan at normal lamang ang lahat ng ito! Ako lang ang may di normal na pag-iisip dito. Calm the hell down, Kate Adriana!
Antok pa ang mga mata ni Kevin ng silipin niya ako at haplusin ng paulit ulit ang likod ko na para bang sinasabi na matulog ulit ako. Hindi ako humiga o nagsalita kaya siya tuluyang dumilat. Kaagad niyang nahuli ang tingin ko kaya nag-iwas ako ng mata.
"What is it?"
Ilang sandali akong di nagsalita habang nakatingin lamang sa mga kamay ko. Naramdaman ko ang kamay ni Kevin sa aking baba. Itinaas niya ang aking mukha para makuha niya ang aking atensyon. "What is it, Kate?"
"Natatandaan mo ba? When we first met.. House warming nang bahay namin yon.. Invited kayo nina tito kaya naroon kayo sa bahay ng araw iyon. I was 5 and you were 6. I think you saw how epic my life was.." I smiled at Kevin when I saw faint recognition on his face.
"Yeah, I remember that.. You were wearing that weird ball cap.." Tumawa ako at tumango.
"That's not when we became friends.. Nang lumipat kayo sa village namin taon pa ang lumipas ay araw-araw ka nang pumupunta sa bahay.. When you started studying on my school, it felt like.. You were the brother I was longing for all those years.."
Sandali akong natahimik.. I love Kevin. Alam ko sa sarili kong mahal ko siya.. Pero hindi kami pwede. Masyado na naming kilala ang isa't isa na tingin ko ay hindi kami tatagal.. No, I know we won't last long.. Our friendship did but if it's something beyond friendship it probably won't. And I want to avoid that. I want to keep him forever.
Sa sobrang engrossed ko sa katotohanang kasama ko na siya mula pagkabata ay di ko na-realize na unti unti pala iyong nagbago over the years. Kahit di ko aminin sa aking sarili ay nag-bago iyon over the years.
Di ko man maamin noon na sobrang inis ako kapag kabi-kabilang babae ang kasama ni Kevin.. I was only relieved because at the end of the day.. I'll have him because we're best friends and he's bound to me one way or the other.
Kaya rin siguro kahit kailan ay hindi ako nagka-boyfriend. There's a part of me hoping that Kevin and I can happen. Pero ngayong umabot ng ganito katagal ay tingin ko kahit kailan ay hindi na iyon pwedeng mangyari.
Tumulo ang luha sa aking mata kaya kaagad ko iyong pinunasan. Doon na napabangon si Kevin nang nakita na mabilis kong pinahid ang traydor kong luha. "Kev.." Di ko napigilan ang panginginig ng boses ko. Pakiramdam ko ay naalarma si Kevin
"Damn, Kate.. You have got to start telling me what the hell is wrong.. You are giving me heart attacks these days.."
"Kevin.. We need to put this all behind.." I uttered. "We need to forget about this.. Clearly, naaapektuhan na ang pagkakaibigan natin because of that damned night.. i don't want us to fall apart."
"Stop overthinking, Kate.. Walang nagbago at magbabago sa pagkakaibigan natin. What the hell are you saying? We will never fall apart.."
Tumulo ulit ang isang luha sa pisngi ko. Hindi ko na inabala pa ang sarili kong punasan iyon dahil nakita narin naman ni Kevin na umiiyak ako. "Kev.. It is. Hindi mo lang napapansin pero nagiging big deal ang mga simpleng bagay.."
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Romance(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...
