Kabanata 14
My Kevin
Tulad nang napausapan ay naroon kami sa movie room na magpipinsan. We're pretty close, sila lang kasi iyong mga pinsan ko na narito. My mom is an only child, si dad ay dalawa lamang ang kapatid. Si Tito Ned at si Tita Lyanna na nasa abroad pa.
Katabi ko si Rickon at Bran na mukhang parehong natatakot kaya nakatabi sa akin. We're watching some real life horror story. It's about a possessed child kaya medyo natatakot itong dalawa kong katabi. Tiningnan ko si Arya na nasa tabi ni Kuya Jon na mukhang nilalabanan ang takot.
"Are you allowed to stay up, Kate? Kakalabas mo palang ng hospital." Ani Jon. Tumango ako. "I'm fine.. Nagka-asthma lang.."
Sigaw ng sigaw ang mga bata na siyang ikinatawa namin. Medyo nakakatakot nga ang movie pero nakakatuwang makita na kung sino pa ang nag-request na iyon ang panuorin namin ay silang mga takot na takot. We ended up watching some Disney movie after that kasi ay baka hindi raw makatulog ang mga bata.
"Is Kevin in the country, Kate?" Nagulat ako sa tanong ni Robb. "I guess so.. Bakit?"
"May itatanong lang ako about sa gusto niyang ipagawa sa The North Singapore.."
"Oh, kayo ang contractor?" Robb is an architect. Iyon siguro ang inaayos niya kanina. "Yes, I need to personally consult him about this, office niya ito. Pwede ba siyang dumaan dito bukas? Or ako nalang ang pupunta sa office kung naroon siya?"
"Kevin doesn't go to the office on weekends. I'll ask him.." Tumango si Robb at ibinalik ang atensyon sa pinapanuod. Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe para kay Kevin.
Ako:
Good evening. Kev, are you free tomorrow? Robb wants to talk to you about something.. Sila pala ang kinuha ng The North na contractor..
Ilang sandali lamang at nagreply din si Kevin.
Kevin:
Okay. I'll call him, thanks.
Ako:
Okay.
"Uhm, Robb.. Tatawagan ka nalang daw ni Kevin.." Hindi pa man lumilipas ang isang minuto ay tumunog ang phone ni Robb. sinilip niya iyon at ngumisi bago ako nilingon.
"Oh, that's fast.." Tumawa si Robb. "Masyadong busy ang kaibigan mo, Kate.. Noong isang araw pa ako nagpa-set ng meeting, at next week pa iyon na-set pero dahil sayo ko sinabi? Immediately! I should probably go directly to you if I have an urgent agenda.." Aniya habang medyo natatawa sabay tumayo at lumabas para kausapin si Kevin.
Umiling ako at binalingan sina Rickon at Bran na ngayon ay nakahilig na sa akin at tulog. "Hey, tulog na itong dalawa.." Nilingon ako ni Jon.
Binuhat ni Jon si Bran kaya kinarga ko naman si Rickon. Sumunod ako kay Jon. "Hey, Kate.."
"Hmm?"
"May boyfriend ka ba?"
"Wala, a. Bakit mo natanong?"
Nilingon niya ako na parang di siya naniniwala. "Really? Hindi ba kayo ni Kevin?"
Umirap ako. "Bakit lahat ng tao ay ina-assume na mayroong kami ni Kevin?" Gusto ko sana gumawa ng air quotations ang kaso ay buhat ko si Rickon. "What's with you people?"
"Well, kung outsider ang titingin sa inyong dalawa ay talaga namang mapagkakamalan kayong may-relasyon." Nilingon pa ako ni Jon pagkababa niya kay Bran bago kinuha sa akin si Rickon. "Well, you do what couples do.. And you look good together.. You two didn't date each other?"
![](https://img.wattpad.com/cover/73467319-288-k962822.jpg)
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Romansa(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...