Kabanata 13

6K 105 7
                                    




Kabanata 13

Fault

"Kevin Rafael, pinapaalala ko lang sayo yung birthday ng mga inaanak mo at yong regalo! I told them you're coming kaya ihanda mo, ha?"

"Oo na, kulit mo, Hank!" Tumawa si Hank at nilingon ang repleksyon ko sa rear view mirror. "You okay, Kate?"

"Yeah.. Don't mind me.." Malapit lang naman iyong pupuntahan namin kaya nakarating naman kami kaagad. Tulad kanina ay nakahanap na sila  ng couch para sa amin. Kahit pawala-wala ang ilaw ay nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata nina Myrcella at Margery nang nakita na kasama ni Hank si Kevin.

"Buti nalang talaga niyaya natin si sir Hank!" Tawa ni Brienne at nakipaghampasan doon sa dalawa.

Umupo ako sa tabi ni Tristane at kinuha ang isang shot ng Jack at ininom iyon ng walang kasamang iba. Tinawanan lamang niya ako at bahagyang tinapik ang binti ko. "Pakisikop, miss.. Naka-skirt ka at hindi slacks." Aniya at natawa. Sinimangutan ko siya saka pinagtabi ng mainam ang aking mga hita at kumuha ng beer na nasa bucket. Nagtawag ng waiter si Kevin at nag-order ng drinks para sa aming lahat. Of course, it's his treat! Lagi naman nanlilibre si Kevin. He won't let anyone pay.. Kahit si Tito Eduardo pa iyan.

Maya maya ay tumayo sina Hank at Kevin. Nilingon ako ni Hank at itinuro ang counter.. Wow, he doesn'w wanna get laid tonight kaya siya pupunta sa counter at magrorosaryo doon kasama si Hank? Well, not me! I will bleed alcohol!

Ininom ko ang shots na nakalatag ang tinawag si Myrcella at Margery na sumayaw. Pumayag ang dalawa kaya ngayon ay sumasayaw na kami sa dagat ng mga tao. Marami rami ng shots ang nainom ko isama mo pa iyong mga beer kaya umalon ang paningin ko kasabay ng pawala-walang ilaw.

"Wooh!" Sigaw ko ng tumugtog iyong Cheap Thrills ni Sia. Nasa pangalawang chorus na nang naramdaman ko ang isang pares ng kamay sa laylayan ng aking skirt. Tumigil ako sa pagsasayaw at tiningnan kung sinong hambog iyon.

It was Kevin. Nakayuko siya habang seryosong hinahatak pababa ang hem ng aking palda. Hindi ko siya pinansin, sumayaw ulit ako dahilan kung bakit tumaas nanaman ang aking palda. "Damn!" Ibinaba ni Kevin ang kamay ko para hindi ako makasayaw.

"Let go of me!"

Hinila ako ni Kevin palabas ng parking lot, buong lakas kong hinila ang braso ko pero hindi manlang lumuwag ang pagkakahawak ni Kevin. "Bitiwan mo nga ako, Kevin!" Pabalya niyang binitawan ang kamay ko. Agad kong ginagap iyon dahil sumakit nanaman ang aking balikat. Just damn it! Nakakawilihan niya ang paghila sa akin!

"Dammit!" Aniya at hinilot ang kanyang sentido. "Bakit ka ba kasi naka-skirt, ha!? Kailan ka pa natutong mag-ganyan?! Sobrang igsi! Nakakapag-bar ka naman ng naka-slacks, ah!? Bakit ngayon ay ganyan! And why is your top open!"

"Naiinitan ako, bakit ka pa nagrereklamo?"

Galit na hinubad ni Kevin ang kanyang coat, bago hinila ako palapit sa kanya. "Kevin!" Sigaw ko dahil sa galit. Inilagay niya ako sa pagitan ng kanyang mga binti habang siya ay bahagyang nakasandal sa isang kotse. Itinali niya sa bewang ko iyong sleeves ng coat niya habang tinatapunan ako ng matatalim na tingin.

Kita ko kung paano umigting ang kanyang panga na para bang gusto niya akong sakalin sa sobrang inis. Humalukipkip ako at tumingin sa ibang direksyon.

"Kevin, ang higpit naman, eh!" Reklamo ko at lumayo sa kanya para ayusin ang pagtatalig ginawa niya. Maya maya ay nakarinig ako ng kaskas ng lighter at nakitang nagsisindi nanaman ng sigarilyo si Kevin.

"Kevin, will you stop that!" Ngayon, ay sermon ko sa kanya pagkatapos ay bahagyang naubo. Pero inilayo lamang niya iyon sa akin at nagpatuloy sa pagbuga ng nakakasulasok na usok ng Marlboro. "Kevin!"

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon