Kabanata 52
Ring
Habang nanunuod ng video presentation ng pre-nup shoot nina Charles at Moira ay tahimik pa rin kami ni Kevin. Hawak parin ni Kevin ang kamay ko, pinaglalaruan niya iyong mga daliri ko na para bang hinuhulma niya iyon sa hangin nang bigla siyang huminto.
Nilingon ako ni Kevin kaya kunot noon ko siyang nilingon. "What?" He didn't answer, instead he raised my hand on the table. "Is this my ring?" Aniya at pinaikot-ikot sa daliri ko iyong singsing na suot ko.
Yes, it's his ring. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isiip ko at sinuot ko yon kanina. "Oo..."
"Why are you wearing my ring?"
"It's pretty... Bagay sa gown ko." Palusot ko. Ang totoo ay gusto ko lang talaga isuot because I wanted to feel what an engagement ring feels like kahit hindi naman ako engaged. I wanted to feel how it felt being engaged with Kevin, kahit sa isip ko lang.
Hindi nagsalita si Kevin. Nanatili lang ang titig niya sa kamay ko habang nilalaro parin ang singsing sa kamay ko. "Do you want it back?" Handa na akong tanggalin ang singsing sa kamay ko pero umiling siya at marahang binitawan ang aking kamay sa table. In a blink of an eye, Kevin's mood changed from warm to cold.
Hanggang matapos kaming kumain ng dinner ay hindi na ako kinibo pa ni Kevin. Nagkaroon ng maikling program pagkatapos ng dinner. Simpleng games lang para sa newly-weds at mga guests pero hindi ko na nagawang mag-focus doon dahil pinapakiramdaman ko ang mood ni Kevin.
The only right thing here is the one that makes you happy. Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni mama sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang kausapin si Kevin o tatahimik nalang ako. He obviously doesn't want to talk to me. Nakatalikod pa nga siya ng upo sa akin.
Tahimik lamang kaming dalawa ni Kevin na nakaupo doon. Nagsimula na ang first dance ng newley-weds. Ang sabi ni Leanne ay pwede ring sumama ang ibang couple or kahit sino na gustong sumayaw. Lilingunin ko palang sana sina Jeanne at Raven ay hindi ko na iyon naituloy dahil si Jeanne at Scott ay sumasayaw na sa harap.
Maging si Raven ay nasa gitna at kasayaw ang isang pinsan ni Moira. Ganoon din si Erik. Even my parents are there. So, it's just me and him. Tamad na nakaupo lang si Kevin at nanunuod sa mga sumasayaw habang nilalaro ang kanyang cellphone sa kamay.
"Hey, will you dance with me?" Parehas kaming nag-angat ng tingin ni Kevin doon sa babaeng lumapit sa kanya. Pinsan ito ni Charles na hindi ko matandaan ang pangalan. Maputi siya at matangkad. Ang kulay brown niyang buhok na mas lalong nagpatingkad ng kanyang kutis ay kulot-kulot ang dulo. Tulad ng karamihan ay kulay champagne din ang kulay ng suot niyang gown.
Noong pre-nup shoot palang ay napansin ko na na may kakaibang tingin siya kay Kevin. Laking gulat ko na lamang ng tumayo si Kevin at inalok sa babaeng nasa harap niya ang kanyang braso at iginiya sa gitna. Nakarinig ako ng impit na tili sa di kalayuan. Hinanap ko iyon at nakita kong mula iyon sa grupo nga ng mga pinsan ni Charles.
Parang may pumipiga sa aking puso ng makita ko silang nagsasayaw sa gitna. How can he do that? Nakikipagsayaw siya sa iba pero hinayaan niya akong mag-isa dito? When I felt at the back of my throat that I'm about to cry I stood up and slowly made my way out of the function hall.
Pagkabukas ko palang ng pinto ay pumatak na kaagad iyong luha na pinipigilan ko. Hanggang ngayon ay parang pinipiga parin ang aking puso. Diretso akong naglakad palabas ng hotel at nagmartsa palapit sa dagat. Di tulad kagabi ay malakas ang liwanag na nagmumula sa hotel kaya hindi gaanong madilim sa dalampasigan.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Romansa(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...
