Kabanata 50
Agony
Kahit pagod sa byahe at nakapag-bihis na ay hindi ako dinalaw ng antok. Hindi ko maiwala sa aking sistema iyong mga naisip ko kanina. Kanina pa ako pabaling-baling sa kama at di makatulog, kaya bumangon ako dahil ayaw kong magising si Raven.
Kumuha ako ng isang jacket mula sa aking hand carry at dinampot ang aking cellphone bago dahan-dahang lumabas ng kwarto. Presko sa labas kanina at tingin ko ay makakabuti sa akin kung magpapahangin muna ako para gumaan ang pakiramdam ko.
Paglabas ko sa elevator ng lobby ay maliwanag ngunit tahimik ang paligid. Siguro ay dahil hating gabi na, at karamihan ng mga guests na narito ngayon ay nagpapahinga na para sa kasal bukas. Habang naglalakad ako sa dalampasigan ay pakiramdam ko kumalma ako.
Tinanaw ko ang kawalan para makita na ako lang ang tao na nandoon. Well, that's scared me a little bit but it made me relax, too. Ang malaman na walang Kevin at Ellis sa paligid ay talagang nagpakalma sa akin. Tahimik ang buong paligid, bukod sa paghambas ng tubig dagat sa dalampasigan ay wala akong ibang naririnig.
Mas lumapit ako sa tubig, I want to feel the cold water on my feet. Tumayo ako at pumikit habang hinihintay ang tubig dagat sa aking mga paa. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang lamig nito. Bago ko pa muling maramdaman ang tubig sa aking mga paa ay nakarinig ako ng mabibigat na yabag sa akin likod.
Nang lumingon ako ay nakitang si Kevin iyon kaya laking gulat ko rin ng buhatin niya ako at ilagay sa kanyang balikat. "Kevin!"Mabilis ang lakad ni Kevin palayo sa dalampasigan, pabalik ng hotel.
Inihiga ako ni Kevin sa buhangin habang siya ay hingal na hingal. "What the hell do you think you're doing?" Galit niyang tanong sa akin. Iba't ibang emosyon ang nasa mga mata ni Kevin, hindi ko iyon mabasa. But one thing's for sure... He is scared right now.
"What the hell are you talking about? Wait..." Napanganga ako ng maisip ko ang maaaring naisip ni Kevin ng makita niya ako malapit sa tubig. "What do you think I was doing over there?"
"Were you trying to kill yourself? Are you fucking crazy? That's crazy!" Sigaw niya sa akin. Napanganga na lamang ako sa sinabi niya. What the freaking hell is he talking about?
Tinulak ko si Kevin para makaupo ako ng maayos. Iniyakap ko ng mabuti sa aking sarili iyong jacket na suot dahil biglang lumamig ang ihip ng hangin. "I am not trying to kill myself!"
"Bakit ka ba nandon? Where is Jeanne? Si Raven? Hatinggabi na, Kate, bakit lumalabas ka ng walang kasama? What were you thinking?"
"I couldn't sleep! Hindi ako magpapakamatay, nahihibang ka na ba, Kevin?" Reklamo ko at tinulak siya para makatayo ako at makaalis na doon. Kill myself? Nababaliw na ba siya? Bakit namana ko magpapakamatay, e halos matakpan lang ng tubig iyong mga paa ko? Ganoon lang ako kalapit sa tubig, kaya hindi ko maintindihan kung saan nakuha ni Kevin ang ideya na magpapakamatay ako!
"Damn it!" Narinig ko pa ang ilang sunod-sunod na mura sabay sinisipa pa ang buhangin. "Why are you even here?" Tanong niya, nameywang siya sa aking harap at tinataas pa ako ng kilay.
Medyo lumakas ang hangin kaya sumabog ang aking buhok mula sa pagkakaipit nang mga ito sa jacket na suot ko. Sinakop koi yon, sinamaan ko ng tingin si Kevin because he is being ridiculous! "Like I said earlier, hindi ako makatulog! I decided I'd go out for a walk. Ikaw, bakit ka narito? Wala bang naghihintay sayo sa kwarto niyo?" Halos umikot ang mata ko dahil doon. Yeah, right!
I snorted when he didn't answer. Iniyakap ko ng mabuti ang jacket sa aking sarili at tinalikuran siya. I thought I'd get some peace of mind out here. It turns out I won't get any, dahil narito iyong pilit kong tinatanggal sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Romance(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...