Kabanata 28
Lose
It was half past eleven in the morning when I woke up. Dahil halos hating gabi na nang magising ako kagabi ay hindi ako nakatulog ulit. I ended up watching this Korean drama about Goryeo era where a girl from the 21st century time-travelled because she fell into the pond, matagal na itong na-suggest sa akin ni Moira. I'm not fond of Korean drama but se said that this one's really good, wala naman akong ginagawa kaya sinunod ko ang payo niya. Kevin was with me along the first 15 minutes, but he fell asleep not too long after.
Nag-unat ako at nilingon ang aking tabi. The other side of the bed is empty. Nagkibit balikat ako at dumiretso sa bathroom para maligo kahit medyo nagugutom na ako. It was a quick bath dahil nagugutom na rin pala ako. Pagkababa ko ay inabutan kong naroon ang mga pinsan ko sa sala kasama si Kevin.
"Ate Kate!" Ani Rickon at sinalubong ako sa hagdan. Umakma siyang nagpapabuhat kaya dinala ko siya sa aking mga braso, then kissed his cheeks. "Hi, Rick. When did you all got here?"
"This morning." Sagot naman ni Rickon sa akin. "Look, ate! My tooth is growing!" Aniya at pinakita ang nawawala niyang ipin na ngayon ay malapit nang tubuan ng bago.
Ibinaba ko si Rickon, at umupo sa gilid ni Kevin. Deadma siya sa aking presensya at nagpatuloy sa paglalaro sa kanyang cellphone. Tumawa ako ng namatay iyong character niyang si Wolverine. "Ang noob mo naman!" Pang-iinis ko sa kanya at inagaw ang kanyang cellphone. "This is how you play Contest of Champions."
"Damn." Aniya nang matalo ko si Scarlet Witch ng tatlong hit lang ang natanggap. "Ang daya, Scarlet Witch's like level 2. Level 12 iyong si Yellow Jacket kanina."
"Still, noob.." I grinned him. Gumanti siya at kiniliti ako. Bumagsak ako sa mga hita niya mula sa armrest ng sofa dahil sa pagsabotahe niyang ginawa sa akin. Nakarinig kami ng tawanan, doon ko lang napansin ang presensya ni Jon at Robb na kakapasok lang ng living room.
"Damn, mas gusto ko ata yung nag-aaway nalang kayong dalawa." Ani Jon at nakipag-high five kay Robb. "Right you are, Jon."
I rolled my eyes then got off Kevin's lap. Inayos ko ang damit ko at dumiretso sa kitchen. Narinig ko pang minura ni Kevin ang dalawa. "Alam niyo namang..."
"Hi, tita Cat." Ngumiti ako sa aking tita ng makita siyang naroon sa kitchen kasama ni mama, mukhang nagluluto sila ng lunch. "Nagising na ang prinsesa." Tawa ni Tita at hinalikan ako sa pisngi ng lumapit ako sa kanya para mag-beso.
"I heard a good news when I got here, Kate. Is that true? Tinupad mo na daw ang life long dream ng mommy mo?" Nakangising tanong sa akin ni tita Cat. Nilingon ko si mama, I saw a ghost of smile on her lips. I blushed, but I nodded. "Congratulations, hija! Mabuti naman at nagkaaminan na kayong dalawa." Aniya na natatawa.
"Were we really that obvious? Seriously... lahat ng nakakaalam ay ganyan ang sinasabi."
"Yes." Sabay na sabi ni mama at tita Cat. "Everyone knew, even Rickon knows... Kayong dalawa lang ang may hindi alam."
"Right you are, Cat. Silang dalawang involve ang hindi makahinuha."
I rolled my eyes at them na mas lalong nagpatawa sa kanila. "Paano kayong nagka-aminan, hija?"
"It just happened, tita..." Tumango-tango si Tita Cat. "Well, it's about time siguro..."
"Bakit po pala kayo nauwi?" Tanong ko. It's a rare occasion na narito sila sa bahay. They don't visit often, bukod sa work ay may school at homeworks ang mga pinsan ko so their schedule is usually tight.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Romance(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...
