Kabanata 47

3.8K 49 1
                                    


Kabanata 47

Greatest


Kinabukasan, 3AM palang ay gising na kaming tatlo. Maaga kaming ginising ni Margaery, aniya ay kailangan namin i-prepare ang babaunin namin mamaya. Ang ginagawa ko ay ang pag-assemble ng chicken sandwich, si Marg ang taga-lagay sa ziplock. Si Myrcella naman ay abala sa pag-gawa ng fresh orange juice malapit sa sink.

It was around 4 in the morning when we finished everything and began taking turns in using the bathroom. Ako ang nahuli kaya naman nagmamadali na talaga ako. 5:30 na nang umaga! 6AM darating si Roose, nakakahiya kung hindi pa kami nakahanda pagdating niya!

Nagkikilay na ako ng marinig ko ang paghinto ng isang sasakyan sa labas. Maaga pa, kaya tahimik pa ang kalsada kaya naman mas lalo akong nataranda! Hindi pa pantay ang kilay ko, this is bad! Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko.

Roose:
I'm outside. Pwede bang pumasok sa loob ang lalaki?

Sa pagmamadali ay hindi ko na-replyan si Roose. I just focused on fixing my brows. And that didn't help at all! I became a freaking perfectionist! Ilang sandali pa ang lumipas ay pumasok si Margaery sa aking kwarto.

"I think Roose is outside... Bawal pa rin baa ng lalaki dito kait ala-seis na ng umaga?" Tanong niya habang pinapanuod ako ma-stress dahil sa kilay ko. "Ako na nga!" Natatawa niyang sabi at pinaharap ako sa kanya.

"Yeah, I think so... Bawal ang opposite sex dito sa apartment." Tumango tango si Margaery, kahit mukhang di siya naniniwala. "Kaya naman pala sa bintana ang front door ni Kevin."

Natawa ako, yeah... College pa lamang kami ay talagang gawain na iyon ni Kevin. Tuwing palalayasin siya ni Tito Eduardo sa mansion nila ay dito sa tatakbo sa bintana ng apartment ko. Tuwing nalalasing kami sa inuman ay ito ang exit niya tuwing umaga. Come to think of it, this window has witnessed our good times and bad times. Now, this window is special!

"College palang kami, iyan ang emergency entrance at exit ni Kevin." I said, as I looked at the window. "You might see him now as a very accomplished businessman, pero noong medyo bata pa siya? Damn, that boy is his parents' problem every single day." Natatawa kong sabi habang inaalala ang mga panahon na iyon.

Kahit hindi pa ako college ng mga panahon na iyon ay alam ko ang lahat nang iyon dahil dito siya uuwi sa apartment ko para mag-tanggal ng inis.

"He's always in the Dean's office dahil sa pambababae niya. Nageeskandalo na ang mga iyon dahil sa pangiiwan niya. He's a Class A douchebag even when he's only 18."

"Class A douchebag that you love." Nangingising komento ni Myrcella. Girl, stop saying that! "Shut up."

"Done! Let's go! Naghihintay na si Prince Charming 2.0!" Inirapan ko si Margaery at pinagdadampot ang mga gamit ko. Isang tingin sa aking repleksyon ang ginawa ko para ayusin ang pagkaka-tuck in ng puting v-neck na isang size ang laki sa akin at itim na skinny jeans ang sinuot ko. I don't want to be very conscious of myself if I wear a dear, kaya ito ang napili ko.

Bago lumabas ng kwarto ay isinuot ko iyong kulay pulang Vans na madalas kong isuot noon. "Let's go!" Yaya ko sa dalawa, pinagtulungan namin dalhin iyon mga dala namin na art materials, notebooks, at iba para sa mga bata, pati narin ang food na hinanda namin kanina.

Kahit bukas naman ang gate ay tahimik lamang kaming hinintay ni Roose sa labas. Inabutan namin siya doong nakasandal sa kanyang kotse at nakatingin sa gate. He's wearing a white v-neck shirt same as mine, khaki pants at itim na Converse. "Hey! Sorry, natagalan kami!" I preamble. Agad namang binuksan ni Roose ang likuran ng kanyang Trailblazer para mailagay doon ang mga dala namin.

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon