Kabanata 18

6.1K 111 10
                                    


Kabanata 18

Fears


The day passed by slow and very much annoying. Maghapon akong kinukulit ni Kevin through text. He wants to have dinner but I said I can't since I'm busy and the devil said..

"I'm the boss, I told you it's oh-fucking-kay, now can we go?"

I smiled at him to stop myself from strangling his neck. "No." Then I turned my back on him for the nth time today. Nagtatawanan ang mga kasamahan ko ng bumalik ako sa floor namin. I was summoned for the nth time upstairs at ngayon ay pinagtatawanan na ako ng mga hinayupak kong mga kaibigan.

"Pagbigyan mo na kasi..." Udyok ni Tristane at nakipag-high five pa kina Myrcella at Margery because apparently, yun ang gusto nilang mangyari na tatlo. For me to go and see someone out so I'd say goodbye to my sad, miserable and boyish life.

"Kayong tatlo, tigilan niyo ko, ha. Malapit na kayong samain sakin!" It was around 5 when that happened. When six pm happened, I got a surprise!

"Hi!" Masyado akong busy sa ginagawa ko na hindi ko namalayan ang oras, ngunit ang pagdating ng mga kaibigan ko ay di nakaligtas sa akin. Raven, Moira and Jean came to me with wide smiles. Yumakap ang tatlo sa akin. "You were hospitalized! Hindi mo manlang sinabi sa amin!"

"Asthma attack lang naman yon. Nothing serious!" I said then hugged my friends. That's when I saw Kevin watching us from the door with Hank, Scott, Charles and Erik. I rolled my eyes at him because I immediately realized why the hell my friends are here. He wanted to have dinner, and I said I can't now he's twisted everything just so we could have dinner.

"Hindi ka pa ba mag-time out?" Ani Jean sabay hinagilap na ang bag ko. "Hanggang 6pm ka lang naman, a?"

"Hindi ko lang namalayan ang oras. I'll just save my work then we can go and have dinner.." Bumaling ako sa aking computer at ni-save ang ginagawa ko bago sila dumating at ni-shutdown. Tuwang tuwa si Jean na ikinapit ang braso niya sa braso ko.

"We were really worried, Kate. Kung hindi pa tumawag si Charles kay Kevin ay hindi pa naming malalaman na na-ospital ka pala." Ani Moira. Ngumiti ako sa kanya at umiling. "It's really nothing serious. Nag-bar kasi kami because of my promotion and I was intoxicated with all the lit cigars around me, so ayun..."

"You were promoted? Oh, my God! Congrats!" Tuwang tuwa nanaman ang tatlong ito. Nang naroon na kami sa may pinto kung nasaan ang mga lalaki at niyakap ako ni Charles. "Good to see that you are doing good." Tumawa ako at tinapik ang kanyang likod.

"Thanks." Nag-sign ako sa kanila na mag-time out lang at mauna na sila sa basement. Tumango ang mga kaibigan ko at tumungo na sa elevator except for Kevin. "Kev!" Tawag ni Erik habang hawak ang pinto.

"Mauna na kayo, hahantayin ko na si Kate." Umikot ang mata ko at nag-scan sa biometrics bago nag-tipa ng password bago hinarap si Kevin. He was leaning on the reception area habang nakangisi at nakatingin sa akin para bang alam niya na ang sasabihin ko.

"You manipulative piece of shit." I said then hit him on the arm. "Inabala mo pa ang mga iyon sa trabaho para lang makuha ang gusto mo? Hindi ka ba marunong maghintay? Even Scott is here, baka duty pa iyon!"

"No, he is not. But anyways, they're here so let's go?" Aniya at hinawakan ang kamay ko para igiya ako patungong elevator. Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa basement parking na kami ay hinila ni Kevin ang kamay kong hawak niya habang nag-ttext.

Naririnig ko ang malakas na tawanan ng mga kaibigan ko ngunit agad na nawala ng matanaw kami ni Kevin. "What is the meaning of this..."

Nang na-realize ko kung ano ang ibig nilang sabihin ay kaagad kong hinila ang kamay ko pero mukhang mas naunang naisip ni Kevin ang gagawin ko kaya ang ginawa niya at ipinasok niya sa bulsa ng kanyang coat ang kamay naming dalawa.

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon