Kabanata 55

5K 84 17
                                    

Kabanata 55

Cancel


Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng aking kotse habang tinitingnan lang iyong ultrasound na binigay sa akin noong doctor kanina. Hindi ko maiwasan ang mapangiti, pero agad din iyong nawala dahil naalala ko si Kevin. I don't know if I should tell him right away or wait... Oh, well... I'll worry about that some other time. Ang sabi ni doctora ay bawal akong ma-stress and worrying is not helping.

First trimester palang ako at delikado pa ang pagbubuntis kung hindi ako magiingat, aniya. Ipinaliwanag din niya sa akin kung ano ang mga dapat kong iwasan at yung mga dapat kainin, at gawin... She also told me that my next check-up is three weeks from now.

"5 weeks..." I said to myself. Hinaplos ko iyong ultrasound picture na hawak ko. Nilagay ko iyon sa bag ko at bumaba ng sasakyan para makaakyat sa office. Lunch time na nang nakabalik ako sa The North, kaya tumawag ako kay Margaery para magtanong kung saan sila nag-lunch.

Diretso sa cafeteria, ayon kay Margaery ay naroon sila. Agad kong natanaw iyong dalawa na para bang nagtatalo sila. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ni Margaery kaya nakuha ko ang atensyon nila.

"Hi." Nakangiti kong bati sa kanila, pero nawala din iyon ng makita ko ang reaksyon ng dalawa. "Where were you? Grabe ka..."

Kumunot ang noo ko dahil sa kakaibang reaksyon ni Myrcella. "Bakit? May nangyari ba habang wala ako?"

"Hinahanap ka ni Sir Kevin kanina... Ang sabi ko umalis ka, when he asked us where did you go at hindi namin nasagot, nagalit siya. That's why we were calling you! Pero hindi ka naman sumasagot." Myrcella clicked her tongue then shook her head. "Katakot talaga siya kahit ang pogi niya." Naiiling na sabi ni Myrcella.

"Bakit daw?" Kunot-noo kong tanong. "Anong kailangan niya?"

"He didn't tell us. Ang sabi niya ay sabihin namin sayo na puntahan mo agad siya pagbalik mo..." Nagkibit balikat ako at nagsimulang kumain. Ang binili ko ay stir fried vegetables with teriyaki chicken at fruits. I need to eat healthy for my baby.

Pagkatapos kumain ay sabay-sabay kaming tatlo na bumalik sa office. Naghiwalay na kaming tatlo dahil dumiretso ako sa aking opisina at hindi sa aking cubicle. Hinabol ako ni Margaery. "Uy, bakit ka jan pupunta? Akyatin mo yung boss natin."

Ngumiti ako at inalis ang kamay niya sa aking braso. "I don't care..." Nakangisi kong sabi. My mood changed a hundred eighty degrees after knowing that I'm pregnant. Pakiramdam ko ay nag-g-glow ako!

"Kate, I'm telling you... Galit talaga siya kanina." Margaery warned me pero hindi ko siya pinansin. Diretso ako sa office ko at binuhay ang nag-sleep kong computer. Wala naman akong pending works maliban sa ilang e-mails kaya tingin ko ay sa akin na ang buong maghapon.

I was in the middle of answering a letter of query from The North California when my door burst open. Isang galit na Kevin ang pumasok sa loob ng opisina. "Where the hell were you?" Aniya at malakas na ibinagsak ang kanyang mga kamay sa aking mesa na ikinagulat ko.

"I took care of some personal errands. Did you need something?"

"Bakit ka bigla-biglang umaalis during work hours? That's against company rules!" Is he seriously giving the company rules crap? "What do you need?" Ulit ko.

"The papers I gave you yesterday didn't reach Legal!" Galit niyang sabi. Kumunot ang noo ko dahil doon. "Ipinadala ko iyon kahapon sa Legal sa dalawang interns... What are you saying?"

"Ipinadala?" Kevin scoffed. "I told you to bring them to Legal yourself and not ask some dumb intern to bring such important documents for them to have it notarized!" Aniya na para bang hindi ko alam na importante iyon.

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon