Kabanata 42
Kevin and Kate
Tuwang tuwa parin ako sa mga pictures na ipinakita sa akin ni Roose. Hanggang sa byahe pauwi ay patuloy parin ako sa pagtatanong sa kanya tungkol sa mga bata.
"Ito, sino siya?" Kahit nagmamaneho ay mabilis na sinulyapan ni Roose iyong ipinakita ko sa kanya. Ang tinutukoy ko ay iyong batang lalaki na tingin ko ay mga anim na taon. Siya ang madalas kong makita na karga-karga ni Roose. "That's Alex. He was only an infant when Sister Erica found her outside the orphanage's doors. He was feverish and crying a lot."
"What?" Kumunot ang noo ko dahil doon. Paano nagagawa nang ibang magulang na iwan na parang laruan lang ang anak nila? Kung magkakaanak ako, kahit mamalimos ako para sa anak ko ay hindi ko kalian man gagawin ang ginawa ng mommy ni Alex. That's just ruthless. "Yep."
Nag-scroll pa ako sa camera roll ni Roose at nakita ang isang picture doon kasama ang mga pinsan ko. "Nagpupunta rin sina Jon dito?"
"Yeah, I invited them once and they didn't stop coming ever since. Sila na ang naging partner ko sa foundation. Both Robb and Jon."
"I can't believe it! Kahit kalian ay hindi ito nakwento ng mga mokong na ito sa akin!" Nagpatuloy ako sa pag-scroll at nakakita pa ako ng ilang picture kung saan puro uling ang mukha ni Jon. Nakangisi siya habang karga ang isang batang babae na nagpapahid ng uling sa kanyang mukha.
"Wow, na-excite tuloy akong sumama!" Natawa si Roose. "Yeah, I bet the kids will like you! Wag mo lang sila susungitan!"
Hinampas ko si Roose sa braso na mas lalo niyang ikinatawa. "Hindi ako masungit!"
"Yeah, right."
Paghinto sa harap ng apartment ko ay nilingon ko si Roose. "Thanks for tonight. I can't wait to see the kids!"
"You're welcome." Nakangiting sabi ni Roose. Inabot niya ang mga takas na buhok sa aking bun at isinabit iyon sa likod ng aking tainga. "Good night."
"Saturday, right?"
"Yup. I'll pick you up at around 6AM. Okay lang ba? Magbbyahe pa kasi tayo."
"It's fine. See you! Ingat ka!" Hinintay ko pang makaalis si Roose sa harap ko bago ako nagdesisyong pumasok sa loob. Tingin ko ay masyado akong giddy nang pumasok ako sa gate dahil binate ako ni Jaa, iyong anak ng landlady namin.
"Mukhang masaya ang date, Kate?"
Tumawa ako at nakipag-highfive kay Jaq. "Good night, Jaq!"
Pagkadating sa aking apartment ay agad akong nagbukas nang laptop para mag-research kung ano ang pwede kong dahil sa orphanage sa darating na weekend. Ayaw ko namang magpunta doon na wala man lang ako ma-contribute bukod sa aking presensya.
Naghanap ako ng mga kids' activities na pwede kong i-arrange para sa mga bata.
I was too preoccupied at the moment I lost track of time! Nawaglit lamang ako sa paglilista nang mga bibilhin ko nang tumunog ang aking cellphone. Hinila ko ang strap nang aking bag para makuha ko doon ang aking cellphone.
May isang text doon mula kay Kevin. Bumilis ang tibok nang puso ko dahil doon.
Kevin:
Kate...
That's all it said. Ni-swipe ko ang notification para ma-replyan siya.
Ako:
Bakit?
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Romance(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...