Kabanata 39
See you
"Let's go..." Yaya ko kina Margaery at Myrcella nang makita ko sila sa lobby diretso ang lakad ko papunta sa basement parking, hindi nilingon ang dalawa. Coding ang kotse ko ngayon kaya si Margaery ang magddrive. Pagdating namin sa parking lot ay dumiretso agad ako sa sasakyan ni Margaery at sumakay sa front seat.
"Anong problema?" Tanong ni Myrcella nang makapasok sa backseat. "Nothing. I want pizza. My treat."
Tahimik ang naging byahe namin. Mukhang ramdam nang dalawa na wala ako sa mood kaya hindi rin sila nagtatanong. Nagkukwentuhan kami tungkol sa trabaho, ngunit walang kahit anong tungkol kay Kevin. Hindi katulad noon na para silang mga journalist kung makapag-interiew sa akin.
Medyo madilim na ay bumabyahe parin kami dahil naipit kami sa traffic.
Dumaan sa aking isipin ang mga mata ni Kevin. The way he looked at my reflection screams of so many things I can even think of. I can't read his expression. I don't know if he's mad at me, mocking me, or simply there to make me regret my decisions. Could be one, could be all of three.
I can vividly remember how he told me he will never let me sacrifice for us. But I did. And I am paying the price.
Nanikip ang aking dibdib dahil sa mga naalala. I didn't see them kiss but that's probably what's happening inside that damned office. Who am I to interject? Kevin will always be Kevin. He has needs. He will always have needs.
"Kate! Why are you crying? Ano baa ng problema?" Tanong ni Margaery. Halos maguluhan ako sa tanong niya. Nang hawakan ko ang aking pisngi ay basa iyon. The pain is too much all of me went numb. I didn't even realize I was crying.
"Wala. Bilis, gutom na ako." Ilang sandali pa ay huminto na kami sa harap ng isang restaurant na palagi naming kinakainan ng pizza. Kinuha ko ang wallet at phone sa aking bag bago itinago iyon sa ilalim ng dashboard. Papasok na sana ako sa loob ng lumingon ako ay wala ang dalawa. Naroon parin sila sa kotse at naguusap.
Bumalik ako doon at kinatok ang bintana. "Let's go! Gutom na ako!"
Habang nag-oorder ay tahimik ang dalawa. Nilingon ko sila at nagpalipat lipat ang tingin. "What?"
"Is there a problem, Kate?"
"I'm fine. Bakit?"
"No, you are not. Bakit ka bigla-biglang iiyak? May kinalaman ba 'to kay Sir Kevin? Do you want us to call him?" Ani Myrcella at inilabas ang phone. Kinuha ko yon at umiling. "Don't. That would be very inappropriate."
"Come on, Kate... What's the matter? You can tell us..." Ani Margaery at hinawakan ang aking kamay. "You can tell us everything. You want a hitman? I'm your girl."
Hindi ko mapigilan ang pagtawa dahil sa sinabi niya. "Seriously?"
"Seriously, Kate... What's wrong? Iiyak ka nang walang dahilan, tatawa ka ng walang dahilan. That's not normal!"
"We broke up." Anunsyo ko na ikinatahimik nang dalawa. "We broke up. He knocked that girl he was with sa restaurant kanina."
Kahit namanhid ang buong katawan ko pagkatapos kong sabihin yon ay tingin ko gumaan ang aking paghinga. For the first in weeks after Kevin and I broke up, ngayon ko lang naamin sa sarili ko na totoong naghiwalay na kami ni Kevin ay maaaring mayroon siyang kinabukasan na hindi ako ang kasama.
I chose that, I know. Pero ang makita iyon gamit ang aking dalawang mata ay sobrang sakit. Hindi ko alam kung saan ikukumpara iyon sa sobrang sakit and all I could do was not to watch it. To lessen the pain a little.

BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Storie d'amore(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...