Kabanata 34

4K 60 8
                                        

Kabanata 34

Celebrate


Pagkatapos kumain ay nagpaalam narin na uuwi na sina Tito Eduardo, aniya ay maaga sila sa kanilang mga pamilya bukas. Galak na niyakap ako ni Tita Claudia nang ihatid ko sila sa kanilang sasakyan. "I am so sorry, my dear... I don't know what's gotten into my son..."

"It's okay, tita... Merry Christmas, ingat po." Nginitian ko sila at kinawayan ng nagsimulang umandar palayo ang kanilang itim na SUV. Babalik sila ng Manila ngayon at hindi sa kanilang bahay sa tabi namin.

I stood outside our gate for a few minutes, luminga-linga ako, umaasang nasa paligid lamang si Kevin. But to my disappointment, there was no sign of him. Nakita ako ng ilang kapitbahay at galak na binati. Ganoon din ang ginawa ko sa kanila bago napagdesisyunan na pumasok sa loob.

Mas umingay ang mga kaibigan ko kasama ng aking mga pinsan sa aming garden. Ngayon ay nakalabas na ang bluetooth mic ni Jeanne at ang iPad ni Scott, nagkakantahan na sila.

"Kate! C'mon, sing with me!" Sinundo ako ni Jeanne at ikinawit ang kanyang braso sa aking leeg. "This is our song!"

I wanted to show my friends that I'm fine so I sang along with Jeanne. "Oh, look what you made do! Look what you made me do, look what you just made me do, look what you just made me do!"

Naghiyawan ang mga kaibigan ko ng sumayaw pa kami ni Jeanne, habang kami ay tawa nang tawa. Hanggang matapos ang kanta ay natatawa parin ako. Hindi pa naman ako lasing pero para na akong nakarami ng inom.

We were like that for the next few hours or so, mukhang walang balak matulog ang mga ito. We downed two bottles of Jack, more than three bottles of Smirnoff each, and a small bottle of Whisky. Dala iyon ni Tito Eduardo para kay daddy, ngunit bawal na sa kanya iyon kaya kinuha ko nalang.

Malalakas na tawanan ang tingin ko'y nagpalabas sa aking mama. Nakapantulog na siya at mukhang ready na para magpahinga. "That's enough, kids! Alas sinco na nang umaga!" Nagtawanan kami dahil doon.

"Ubusin lang namin 'tong Jack..." Mayroon pang isang JD na kalahati nalang ang laman. Ngunit hindi sumangayon sa nais naming mangyari ang mama ko. She snatched the bottle away from me. "Hala, pasok na kayo sa loob. The neighbors are trying to sleep! I am trying to sleep!"

"Tita, ang KJ naman!" Ani Hank. Ang kaninang galit na si Hank ay sobrang lasing na ngayon. Mukhang nakalimutan din nang mga kaibigan ko ang Kevin issues naming.

"I'm not a killjoy, Hank. Gusto lang namin magpahinga ng tito niyo." Ani mama ay siya na ang kumuha ng mga bote ng alak na mayroon pang laman. "Maayos na ang guest room, diretso na kayo roon."

My friends groaned, dahil wala na silang nagawa. Isa-isa nang nagsitayuan ang mga kaibigan ko at lumakad papasok sa aming bahay. When Erik successfully made his way inside, nagpaiwan ako sa sandali sa labas para mahismasmasan muna nang kaunti bago maglinis ng mga kalat.

Hindi ko namalayan na medyo naidlip pala ako habang nakaub-ob sa mesa. Nagising na lamang ako ng pakiramdam ko ay umangat ako sa ere. I was too drunk to look at who among my friends became the Good Samaritan and went back for me. I think I was also too drunk because when I tried to open my eyes, I saw Kevin. Or maybe I'm walking and this is all just a product of my drunk imagination.

Bahagya kong kinusot ang aking mata at pumikit pikit dahil kung bakit nilingon ako ng Pseudo-Kevin na nakikita ko. I tried to stand. "Kate, stop squirming... Baka malaglag ka."

"Why are you talking to me?" I said in a slurred voice, I am definitely drunk. "You don't get to tell me what to do, Pseudo-Kevin! You're in my imagination!"

Can't Help Falling In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon