Kabanata 35

4.3K 67 0
                                        



Kabanata 35

Witness


Kevin and I went to eat at this fancy steak restaurant near Burnham Park. It was a very relaxing place to eat on top a hill. Yeah, it's on top of a hill! The walls of the place were all glass, kitang kita ang mga nagtataasang pine trees mula doon, kaya naman dumiretso ni Kevin sa bandang gilid dahil maganda ang view doon.

"Wow, this place is amazing...." I said in awe. Nagsimula nang umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Simple pero sobrang ganda ng kinalabasan ng interior ng restaurant na 'to. I'm not a fan or a person of art but I really appreciate the interior designer's work. They tried to make it look like simple yet classy.

Si Kevin ang nag-order para sa amin. Aniya ay ito ang best seller dito. When the food arrived, halos tumunog ang aking tiyan dahil sa nakita. In the plate is a big chunk of beef glazed in special sauce! Mine was partnered with vegetable salad ang mashed potato, habang rice naman ang kay Kevin.

I ignored Kevin the whole time I was eating, damn good food! Nang matapos ako ay saka ko palang pinukol nang tingin si Kevin na nakangisi habang nakatingin sa akin, his food untouched. "Hey, bakit hindi ka kumakain?"

He chuckled then wiped the side of my mouth. "Makita ko lang na kumakain ka, busog na ako."

"Che." I said, then smile. Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa at pinanlakihan siya ng mata, urging him to eat. Ngumisi siya at tumango, ngunit bago siya kumain ay nag-motion siya sa waiter na malapit sa amin para sa dessert.

Agad kong nilantakan ang dessert na naroon. "How did you know about this place?"

"Someone took me here... Fortunately, I paid attention... I knew you'd like this." Then he smiled at me. Of course he knows I'd like this... He knows me very well. Tumawa ako at tinapat sa kanyang bibig ang spoon na may lamang ice cream at banana.

"Damn, I'm still eating!" Reklamo niya pero wala siyang nagawa ng idikit ko iyon sa kanyang bibig.

Hindi kami gaanong nagtagal doon, he said he wants to go Swan-boating. Sumakay kami sa kanyang sasakyan at nagpunta sa gitna ng Burnham Park. Mayroong lake doon sa gitna kung saan may mga for rent na pwedeng sakyan. It was cute from afar! Kaya naman talagang na-excite ako!

Lumapit si Kevin doon sa mga banka na may-pedal. Aniya ay mas enjoy yon, at hindi siya marunong mag-sagwan. Naunang magpunta si Kevin sa loob ng Bangka, aniya ay para maalalayan ako. I was actually nervous! Marunong naman akong lumangoy, but the looks of this lake doesn't give off clean vibes. I wouldn't want to stumble in the water!

Nang umapak ako sa bangka ay gumalaw iyon. I panicked a lot! Mabuti na lamang at nahila agad ako ni Kevin paupo sa tabi niya. Tinawanan niya ako dahil doon. "You look like you were about to cry!" Aniya at mas lalong humalakhak. "Stop! It's not funny! Muntik na akong malaglag!"

"Of course, I'd never let that!" Aniya. Sumenyas siya sa bankero na itulak kami para makalayo kami sa dock. Nang makalayo ay nagsimula na kaming mag-pedal. Ilang saglit pa ay umalingawngaw ang isang pamilyar na kanta mula sa cellphone ni Kevin.

Kung tayo'y matanda na

Sana'y di tayo magbago

Kailan man, nasaan ma'y

Ito ang pangarap ko

Hindi ko mapigilan ang pag-angat ng sulok ng aking mga labi ng sinabayan iyon ni Kevin. Nilingon ko siya, nakangisi siya habang nakatingin sa akin at nagpepedal ng sinasakyan naming banka. Kinuha niya ang kamay kong nasa pagitan naming dalawa at hinalikan ang likod non.

Can't Help Falling In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon