Kabanata 53

4K 55 4
                                        

           

Kabanata 53

Cupcakes


Natulala ako sa nakita ko... Engagement party? Ilang beses pa akong napapikit para malaman kung namamalikmata ba ako... Pero malinaw ang nakaslat sa papel.

Kevin Rafael Valdez and Ellis Catherine Grey's Engagement Party

That's what the invitation said... Kahit nanggigilid ang luha ay binasa ko ang nakalaman doon. Napagalaman kong gaganapin din iyon sa araw ng pag-t-turn over ni Tito Eduardo ng The North kay Kevin. Naramdaman ko ang panghihina ng aking mga binti kaya naupo muna ako sa sofa.

"He's getting engaged?" Nang makalma ko na ang sarili ko ay iniwan ko ang invitation sa lamesita at lumabas na ng opisina. Naroon pa rin si Helena at nagaayos na nang gamit. Mukhang uuwi na siya. "Kate, okay ka lang?"

"I'm fine... Nalipasan lang ako ng gutom..." Pagdadahilan ko at tipid siyang nginitian. Diretso ako sa elevator papunta sa basement parking. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa apartment ko ng di naaaksidente. Absent-minded ako dahil hindi mawala sa isip ko iyong nakita ko.

I can vividly remember Kevin saying that he only needs me and nothing else... Pero bakit ngayon ay may engagement party siyang magaganap?

Umupo ako sa couch dahil nanghihina nanaman ang mga binti ko. Damn, Kevin Rafael...

Napaigtig ako ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Nilabas ko iyon at nakitang isang FaceTime call iyon mula kay Jeanne. Hindi ko sana sasagutin pero naisip kong kailangan ko ng kausap.

Pagkaswipe ko palang ay bumungad sa akin iyong invitation na nakita ko sa office ni Kevin. "Kate, what the hell is this!" Naiiyak na tanong sa akin ni Jeanne.

Napanganga ako ng makita ko iyon. He sent them invites to his engagement party? "Oh, you got one... I didn't have one..."

"Kate! Bakit engagement party ito ni Kevin at nang kabit niya? Bakit hindi pangalan mo ang nakalagay dito? Kate!"

"We're done... It's over, Jeanne..." Ngumiti ako kahit na halos di ko na makita ang mukha ni Jeanne dahil sa namumuong luha sa aking mga mata. "Jeanne..." My voice faltered because I went from silently crying to sobbing. Ilang beses na tinawag ni Jeanne ang pangalan ko, maybe trying to calm me down.

"Oh, my God... babe, I'm so sorry... I wish I can be there with you..."

"It hurts... Ang sakit, Jeanne... So much." Pinilit ko munang kalmahin ang sarili ko bago hinarap ang aking kaibigan na nasa screen. "Akala ko masakit na yung gusto ko siyang makasama pero hindi pwede pero mas masakit pala 'to..."

"I'm gonna kill that son of a bitch..." Rinig kong sabi ni Jeanne. Nakita kong pinunasan din niya ang ilalim ng mga mata niya. "Can I call you back? We'll group chat... They need to know what that son of a bitch has done..." Paalam ni Jeanne at biglang namatay ang tawag.

Naupo lang ako doon at tinitigan ang aking cellphone, hinihintay na mag-ring iyong muli. Wala pang limang minuto muling nag-ring ang cellphone ko senyales na may tumatawag doon. Nakita kong isang group video call iyon.

Pagkaswipe ay naroon ang mukha ni Jeanne at Scott, Erik, Raven... Magkasama naman sa isang screen ang mukha ni Moira at Charles. "Where's our hitman?" Tanong ni Erik, ang tinutukoy ay si Hank.

"I didn't call Hank... Siya ang pinakamalapit kay Kevin baka kung ano ang mangyari..." Rinig kong paliwanag ni Jeanne. "Why are you even caring for that bastard?" Galit na sabi ni Erik. "Hindi pa talaga siya nakutento... Nakabuntis na nga siya, balak pa niyang pakasalan? Tang ina nang Kevin na yon."

Can't Help Falling In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon