Kabanata 8
Say
"Kate?" Agad akong napaupo sa tub ng marinig ko ang boses ni Kevin sa labas. "You okay? Magdadalawang oras ka na sa loob."
Ilang segundo pa ang lumipas bago ko napagtanto na medyo madilim na sa labas. "U-uh.. I'm okay, Kevin. Lalabas na ako."
"Okay.." Tumayo ako at dumiretso sa shower para mag-shampoo at magbanlaw na rin. Ipinaikot ko ang puting towel sa buhok ko at isinuot ang robe bago lumabas. Nakatulog ba ako? Or sadyang malalim lang ang pag-iisip ko?
Paglabas ko ay naroon si Kevin sa kama at nakaupo habang nasa tainga ang cellphone. "Yes, dad.. We're getting ready. Yes, I understand. Okay." Habang sinasabi niya iyon ay nakapikit siya at hinihilot ang sentido. May problema kaya?
Itinali ko ng mabuti ang robe at lumakad papunta kay Kevin. Bago ako pumasok sa bathroom ay inilatag ko iyong itim na dress na isusuot ko mamaya. I'm not really very fond of dresses, kaya naman ito lang ang dala ko. I'm the jeans and sneaker kind of girl. Para sa akin ay mas komportable iyon.
"You can now take a bath.." Sabi ko para itaboy siya sa loob ng bathroom. "Magbibihis na ako."
Tumango siya at dumiretso sa bathroom. Ilang segundo ko muna pinagmasdan ang pinto ng bathroom, nag-abang kung lalabas si Kevin. Hindi iyon nangyari kaya nagsimula na akong kalasin ang tali ng roba.
Hanggang sa nakapagbihis ako ay saka palang bumukas ang pinto ng bathroom. Agad kong iniwas ko ang mata ko sa paglabas niya. Diretso siya sa closet kung saan naroon ang damit niya.
Kinulot ko ng kaunti ang dulo ng aking buhok at kaunting make-up para sa gabing ito. Parang na-magnet ang mga mata ko nang masilip ko ang likod ni Kevin. His muscles are very proud. Nakita kong nag-flex iyon nang isinuot niya iyong kulay puti na undershirt. Pumikit ako at pinagalitan ang aking sarili.
Damn, Kate Adriana! Are you seriously fantasizing about your bestfriend right now? This can't be right!
Pumikit ako at nag-iwas ng tingin. Dammit, Kate Adriana! Stop looking at him! Pinagpatuloy ko ang pagkukulot habang paulit ulit na pinapagilatan ang aking sarili.
Ilang minuto pa ang lumipas ay ready na kaming dalawa para umalis. Kita kong nakamasid sa akin si Kevin, kita ko iyon sa salamin. Tumayo ako at hinarap siya. Medyo nahihiya ako, hindi talaga ako mahilig mag-suot ng dresses. Kahit sa opisima ay slacks at flats ang suot ko. Parang hindi ako ang nakikita kong repleksyon.
"You look great." Nakangising sabi ni Kevin. Inirapan ko siya at kinikip iyong purse na dala ko. I'm wearing a black long-sleeved floor-length with a deep back body hugging dress and cream Louboutins. Not enticing at all. Simple lang iyon at walang kahit anong palamuti. May suot lamang akong pearl earings at isang manipis na white gold cross na bigay sa akin ni Mommy noong 18th birthday ko.
Pagkatapat ko kay Kevin ay umayos siya ng tayo at ibinigay sa akin ang kanyang braso. Tiningnan ko muna iyon bago ako kumapit.
Ang maingay na kwentuhan ay nahinto ng lumabas kami ni Kevin. "Why, girl.. You look good!" Puri ni Erik. "Babaeng babae tayo a! Beautiful!" Natatawang sabi ni Charles at pumalakpak pa.
"You look really good, Kate. You should dress like that more often!" Dagdag ni Jean at itinaas ang cellphone. "Dali, kuhanan ko kayo ng picture!"
Umayos ako ng tayo at bahagyang umirap sa mga kaibigan ko na may kakaibang ngisi sa mga mukha. Inalis ni Kevin ang braso niya sa pagitan naman at ipinuwesto sa maliit na bahagi nang aking likod. Natuon ang pansin ko sa mainit niyang kamay sa aking hubad na likod. Bad idea, this dress.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Romance(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...
