Kabanata 40
Keep
"What the hell? Why is he here? Paano niyang nalaman ang unit mo?" I asked, now more panicky than Margaery. "Anong sasabihin ko?"
"Can you tell him I went home?" Tumango tango si Margaery at bumalik sa pinto. Narinig kong binanggit niya ang pangalan ko at wala na ako doon.
"Sir Kevin!" Hindi na kami nakagalaw ni Myrcella ng dirediretsong pumasok si Kevin. Halos madapa ako ng higitin ako ni Kevin patayo mula sa pinagtaguan naming ni Myrcella. "Sir!" Pigil ni Myrcella at Margaery ngunit tingin ko ay di nila alam ang gagawin.
"What are you doing?" Tinapunan lamang ako ni Kevin ng tingin bago nag-igting ang kanyang panga senyales na naiinis siya o nagtitimpi. "We'll talk in my car."
"Ayoko!" Reklamo ko pero pilit niyang hinila ang kamay ko palabas ng unit ni Margaery. Which cause some pain. Kahit ngayon, itong kamay ko pa rin na ito ang palaging hinihila ni Kevin. Same thing, same pain. I looked at the two of them to ask for help pero tila hindi alam ng dalawa ang gagawin nila.
Pagdating sa elevator ay pilit kong hinihila ang pulso ko mula sa kamay ni Kevin pero mas lalo lamang iyong humihigpit. "Kevin, ano ba? Nasasaktan ako!"
He didn't say anything! He ignored my presence completely, na para bang magisa lamang siya sa loob ng elevator. Pagkadating sa basement ay pinatunog niya ang kanyang saasakyan. Malayo pa iyon, kaya sinubukan kong kumuwalang muli. Ngunit tulad kanina ay mas lalo lamang iyong humigpit.
Laking pasasalamat ko na lamang at naka-socks ako at slippers. Dahil kung hindi, panigurado puro sugat na ang paa ko dahil sa panghihila sa akin ni Kevin. Binuksan niya ang front seat ng pick up at pinasakay ako doon.
"Get in."
"No!"
"Kate, get in. I swear..." He said, threatening me. Kanina pa ako naiinis kay Kevin, pakiramdam ko ay bulkan ako at malapit na akong sumabog! "ANO!" Pinilit ko muling hilahin ang kamay ko pero hindi ko ako nagtagumpay. Kahit tingin ko ay mas malakas ako sa karaniwang babae ay hindi ko parin maitatanggi na mas malakas sa akin si Kevin dahil walang kahirap hirap niya akong naisakay sa front seat kahit nagwawala ako.
Like freaking always, naka-child lock ang front seat niya!
"What the hell are you doing, Kevin? What the hell is this!" Sigaw ko pagpasok niya ng sasakyan.
"Mag-uusap tayo!" Tulad kanina ay inignora lamang ni Kevin ang aking presensiya. Binuhay niya ang makina nang sasakyan. "Akala ko ba maguusap lang tayo! Bakit aalis tayo!"
"Will you please shut up, Kate?" He said in a gritted tone. Para bang konti nalang sasakalin na niya ako sa inis. Sa inis ko ay sinuntok ko si Kevin. Yes, I punched him! Kaya naman biglang huminto ang sasakyan niya.
"What the fuck?" If he's annoyed earlier, now? He is a freaking mad ape. Namumula na ang tenga ni Kevin. Nakita kong tumaas ang isang kamay niya. I shut my eyes tight. I could feel my body shaking, waiting for the blow that didn't come. Ang narinig ko lamang ay ang paghila ni Kevin ng seatbelt.
Pagkarinig ko ng click ng seatbelt ay nakahinga ako ng maluwag. Ramdam ko ang pagiinit ng sulok ng aking mga mata. I thought... I really thought he's gonna punch me, too. That scared the hell out of me. I sighed, shaking. Tahimik na ang naging byahe naming papunta sa tingin ko ay condo ni Kevin.
Halos mabali ang leeg ko nang lumagpas kami ng kanyang building. Where are we going? Na-kidnap na ba ako?
"Where are—" Nang lingunin ako ni Kevin at samaan ng tingin ay hindi ko naituloy ang sasabihin ko. I shut my mouth tight. Kahit madilim ay pilit kong tinatandaan ang mga dinadaanan namin, I might be walking from here later.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Romance(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...
