Kabanata 30
Scared
Pagbalik ng Manila, it was hard for me to see Kevin. I mean, I see him all the time at work, but it's just that... It's hard to get a hold of him. Masyado siyang busy sa trabaho, he's hardly ever seen outside his office. Video conference, unending phone calls, and mountains of papers need to be signed.
I understand that he's the COO of the company, but I think Tito Eduardo is preparing Kevin for the big day. The day when he decides for Kevin to be the CEO of The North.
From my glass-walled panel office, kita ko na kanina pa may ka-video conference si Kevin. It's nearly lunch time, ngunit hindi pa siya lumalabas simula ng pumasok siya doon. "Kate, lunch?"
Nilingon ko si Myrcella, at tumango. "Let's go?"
Dumiretso kami sa café sa baba dahil maraming trabaho, kailangan din naming bumalik agad. "Hay, grabe... Bakit ang daming ginagawa ngayon. Nakaka-stress. Labas naman tayo bukas!" Yaya ni Margery. Sumangayon si Myrcella at Trystane. Narinig iyon ng ibang co-workers naming at sumangayon ang lahat sa sinabi ni Margery.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako na magttake out ng food para kay Kevin sa restaurant sa 7th floor. Kevin doesn't like the food in the café, kaya kapag sabay kaming magllunch ay doon kami sa restaurant sa taas.
Mukhang nasasanay na rin sila sa amin ni Kevin. Noon ay lagi nila akong kinakantyawan, ngayon si Myrcella at Margery na lamang ang gumagawa noon.
I ordered Kevin a medium well-down steak with stir fried asparagus and prosciutto. Diretso ako sa elevator at sa opisina ni Kevin. Pagbukas ng pinto ng elevator ay nakita kong tinanggal ni Kevin ang kanyang earpiece, senyales na kakatapos lamang ng kanyang video conference. Lumakad ako papunta doon, bago ko pa mabuksan ang pinto ay nakita kong ibinalik niya iyon sa kanyang tainga.
I sighed, marahan kong binuksan ang kanyang pinto. Nakita kong nilingon niya ako, ipinakita ko ang dala kong food para sa kanya at inilagay iyon sa center table. Tumango na lamang si Kevin at ibinalik ang tingin sa kanyang computer.
Nagkaroon nang security breach ang The North Cebu. Na-hack ang aming server doon, kaya nagkaroon ng medyo magulong work day dito sa headquarters ng The North, which is why we are all stressed. Kevin's been talking to a lot of cyber police.
Habang nagtatrabaho ay di ko maiwasang sulyapan si Kevin. His food is probably cold by now. 2PM na at hindi pa rin siya tumatayo sa kanyang swivel chair. What's taking him so long? Can't he eat for 30 minutes?
Annoyed, tumayo ako at dumiretso sa pantry para kumuha ng coffee. Nang wala akong abutan na coffee doon ay nainis ako. It's been a silent rule inside the office na kapag ikaw ang last cup ng coffee, be decent enough to brew another pot pero ngayon ay wala. I sighed then brewed myself some coffee.
Sumandal ako sa counter at tahimik na hinihintay na matapos ang coffee. Bumukas ang pinto sa pantry, iniluwa noon si Kevin na nakahawak sa kanyang batok. Nang makita niya ako doon ay agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako mula sa gilid then he sighed.
"I'm exhausted..." Aniya at ipinatong ang mukha sa aking balikat. Kita ko sa repleksyon namin sa ref na nakapikit siya. "...and I miss you." He said to me, almost a whisper.
"Kumain ka na ba? Before I went here, nakita kong hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo..." I felt him shook his head. "No time... These cyber police are fucking annoying. Hindi sila maubusan ng tanong, and they don't even want to hang up."
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Romance(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...