Three♥❤

4K 36 0
                                    

Pumunta kami sa table na may mga inumin at pagkain. Ang daming tao ! Naiinis pa naman ako kapag maraming tao. Anti-social daw ako eh sabi ni Blesi.

"Inom tayo Lex" Sabi ni Blesi habang inaabot ang isang pilsen. Syempre hindi ko tatanggihan ayoko namang maging KJ eh.

Lumipas ang ilang minuto. Nandito ako nakaupo sa couch malayo sa mga tao. Nakita kong papalapit si Blesi.

"Ui mg truth or dare daw tayo" Sabay ngiti.

"Yoko" tipid kong sagot.

"Bakit naman? Ang ganda kaya nun ! KJ mo" naka pout niyang sabi.

"Eh alam ko naman yan eh. Tatapat sakin ang bote tapos syempre malihim ako na tao eh di dare ang pipiliin ko tapos uutusan niyo ako na makipaghalikan sa isang lalaki hanggang sa magkadevelopan kami. Wakas ! End of story" Sabi ko sabay inom sa natitirang alak.

Tinignan ako ni Blesi ng nagtatakang look. "Saan naman yun galing? Ang advance mo ha"

Naglakad naman siya papunta kina Ericka. Naka circle ang formation nila. Alam ko naman to eh. Cliche masyado.

Ayon nagtatawanan na sila. Wala akong pakialam. Kinuha ko nalang ang cp ko at naglaro. Moves to ng mga taong OP sa party.

Ilang minuto ang nakalipas. Ito parin naglalaro ako. Kainis ! Akala ko pa naman mag eenjoy ako sa party. Mukhang hindi sumasang ayon ang mood ko.

"Miss?" May tumawag sakin.

Tumingala ako.

Put*ng ina to the max level ! Bigla ba naman akong halikan nung lalaki at sa labi pa ! Shit ! Sino to ? Ang lambot ng labi ha. Ay erase the kalandian. Bago ko pa siya maitulak naunahan niya ako bigla niyang inilayo ang mukha niya at bumulong ng "Sorry".

Hindi man lang ako binigyan ng chance na sampalin o sigawan siya. Biglang siyang umalis. Sinundan ko siya ng tingin.

Biglang kumulo ang dugo ko ng makita ko siya na bumalik sa naglalaro ng truth or dare. At mas lalo akong nainis ng makita ko ang nakakalokong ngiti sakin ni Blesilda.

Humanda kang babae ka ! Papatayin talaga kita Blesi. Kainis !

Sinuklian ko siya ng nakakamatay na tingin. Bigla naman siyang tumawa. Lokaret talaga yang babae na yan. Sarap barilin. Joke lang ! mahal ko yang abno na babae.

Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko. Lalo na sa tuwing mahuhuli kong tingin ng tingin siya sakin. Sarap pa din ng mga labi niya. Na miss ko yun.

11:00 na ng gabi at tong si Blesi halos gumapang na. Lasing na naman tong babae na ginagawang tubig ang alak.

"Ikaw mag drive"utos niya habang isinasandal niya ang kanyang ulo sa upuan.

Tignan mo to ! Ginagawa pa akong utusan eh. "Ulol. Alangan namang ikaw magdrive" sabi ko.

Tahimik ang naging biyahe. Tulog si Blesi. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Shit lang! Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

Biglang tumunog ang cp ko. Baka si Kuya to.

From 0912********
Hi. Sorry kanina

Alam ko kung sino to. Napa smile naman ako. Hindi pa pala niya binubura number ko.

Tinignan ko si Blesi. Humanda ka talaga bukas babae. Papatayin kita. Hahaha joke lang.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon