Eleven♥❤❤

2.7K 27 0
                                    

Magmamadali akong naglalakad sa hallway nandun kasi ang tropa ni Nate. Ayoko muna siyang makita na a-awkward pa kasi ako sa kanya. Nandun ang girlfriend niya sa tabi niya habang siya naman nakaakbay dito.

Nilagpasan ko siya pero nag tama muna ang mga mata namin at agad naman akong umiwas sa tingin niya. Mahirap na baka makita ako ni Jessica. Actually hindi naman maldita si Jess eh. Di katulad ng sa ibang istorya nababasa natin.

Agad akong pumasokmsa room. Kumaway naman sakin si Blesi at agad akong umupo sa tabi niya.

"Saan ka nanggaling kahapon? Wala ka daw sa inyo sabi ng kuya mo" wika niya habang tinitignan ang iba naming kaklase.

"Nate" tipid kong sabi. Tumingin naman siya sakin na nakakunot ang noo.

"Kayo na ulit?" Nagtatakang sabi niya sakin. Nagroll eyes naman ako sa kanya.

"Blesi. Hindi naman nagkakami eh. Pero oo balik kami ulit sa dati" paliwanag ko sa kanya.

Umiwas siya ng tingin sakin at nagpakawala ng mabigat na buntong hininga.

"Don't be a mistress. Alam naman natin na may girlfriend na siya" sabi niya na hindi parin tumitingin sakin.

Naguguilty naman talaga ako eh. Lalo na kay Jessica. Mabait kasi siya at kilala na namin yun. Lahat ng naging syota niya ay sineryoso niya talaga kaya sila nagtatagal ngunit iniiwan naman siya huli. Siguro nagsasawa nadin.

Tumingin ako kay Blesi. Tumingin din siya sakin. "Sorry, di ko lang napigilan" sabay iwas ko ng tingin.

Hindi na siya nakapagsalita dahil dumating agad ang prof namin. Nakinig na lamang kami sa lecture niya.

Pagkatapos ay pumunta na kami ni Blesi sa cafeteria. Nauna siya sa table namin at susunod nalang daw ako. Bumili na ako ng pagkain at hinanapa ang table kung nasaan si Blesi.

Nakita ko si Nate kasama ang tropa niya at pati narin si Jessica. Tumango siya sakin at nakita iyon ni Jess. Tinignan din ako ni Jess at saka nag wave sakin.

Nakakaguilty talaga. Bulong ng isip ko. Nagwave back naman ako at tinungo na ang table namin.

Pagkalapag ko ng pagkain ay tinignan ako ni Blesi. "Guilty" saad niya. Tumango naman ako. Nagsimula na kaming ku!ain ni Blesi ng tahimik.

"So any plans tonight?" Pambabasag ng katahimikan na tanong ni Blesi. Napaisip naman ako pero tinamad akong mag isip.

"Bahay lang. Matutulog" Sabi ko at bumalik ulit ang atensyon ko sa pagkain. Feeling ko tataba ako nito. Fat Alexis.

"Di ka sasama sakin? Pupunta ako kina Ericka" sabay tingin sakin. "Nope. Sa bahay nalang ako Blesi" sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at di na ako kinulit. Alam naman niya na wala ako sa mood para gumimik ngayon eh.

Ang ending ako nalang mag isa ang umuwi nandun kasi si Blesi sa bahay ng kaklase niya sa ibang subject gumagawa ng project. Wala din naman yung maitutulong dun. Tamad din yun eh.

Ako lang mag isa ang naglalakad. Walking distance lang naman kasi ang bahay namin. Di na ako nagpasundo kay kuya. Ayokong maistorbo ang date nila ng girlfriend niya.

Isinaksak ko ang earphones ko saking tenga at full talaga ang volume. Wala namang masyadong sasakyan dito eh tsaka nasa gilid ako ng karsada sa may mga damo na.

Napaisip ako bigla kay Nate. Naguguilty ako sa panloloko namin sa gf niya pero at the same time gusto ko din naman to eh. Lumungkot ako lalo ng tumugtog ang Girl at Home ni Taylor Swift. Natamaan ako sa kanta eh.

May tumapik sa balikat ko kaya nagulat ako at napasigaw "Ay put*ng ina!". Tinanggal ko ang earphones ko at tinignan kung sino siya.

"P*tang ina talaga?" Ngisi niya.

"Ginulat moko eh" rason ko. Totoo naman talaga. Imbis nagsesenti pa ako eh.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon