Twelve♥❤❤

2.5K 31 0
                                    

Nate's POV

Nakita ko si Yndi na naglalakad mag isa kaya sinindan ko siya. Busy yata siya sa pag iisip kaya hindi ko muna siya inistorbo. Nasa likod niya lang ako. Maya maya naisipan ko ng istorbohin siya.

Tinapik ko ang balikat niya. "Ay p*tang ina!" Nagulat siguro siya. Ngumisi naman ako at nagsalita na. "P*tang ina talaga?"

"Ginulat moko eh" sabi pa niya. Cursing machine talaga yang bibig niya kahit noon pa. Tinignan ko siya. Nairita naman siya kaya napatawa ako.

She's really beautiful. Kaya natukso talaga ako sa kanya at pasaway din yan at sobrang tamad kaya naaliw ako sa kanya.

Di ko naman siya gusto pero comfortable akong kasama siya at isa pa mahal na mahal ko si Jessica.

Tahimik lang kami sa paglalakad. Tamad kasi yan makipagkwentohan. Tinignan niya ako at kumunot ang noo niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Sa bahay niyo" tumango naman siya. Ganyan siya katamad para makipag usap. Hinawakan ko ang kamay niya. Wala ang gusto ko lang hawakan iyon.

Kinurot niya ang kamay ko pero di naman siya nagprotesta. Wala lang sa kanya. Mas lumalim yata ang pag iisip niya. Problema nito?

"What's your problem? Kanina ka pa walang kibo" sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin at ngumiti. Bipolar na din to.

"Weird ba? Di ko nga din alam eh." Tumawa siya ng mahina. Topakin din pala to eh parang nag drugs lang.

"Samin ka matulog" sabi niya sakin at tumingin sa malayo. Moody talaga to. Dati naiirita siya kapag natutulog ako sa kanila tapos ngayon siya na ang nagyayaya.

Jessica and I have no plans tonight. So okay lang na matulog ako sa kanila. Tumango naman ako bilang sagot at tahimik na kaming naglalakad at hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

When we reached her house. Walang tao dun at dumiretso siya sa kusina at matakaw na kumain ng sandwich. Di man lang niya ako inalok kaya umupo nalang ako sa harap niya.

"Hungry" sabi niya. Napansin niya kasi na tinitignan ko siya. Tumango nalang ako. Pagkatapos niyang ku!ain ay niyaya niya ako sa kwarto niya. Nakakapanibago lang talaga.

Nang makarating kami ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Magulat naman ako sa ginawa niya. Hindi naman siya nagsasalita kaya I hugged her back.

"Wala lang. Trip ko lang"sabi niya sabay higa sa kama niya.

Umupo naman ako sa tabi niya. Umupo nadin siya.

"Magkwento ka Nate" nakangiti niyang sabi. Napatawa naman ako ng mahina. Ano naman ikukwento ko sa kanya?

"About what?" Tanong ko.

"About sa inyo ni Jessica" seryoso niyang sabi.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon