Five♥❤

3.3K 25 0
                                    

Flashback

Naglalakad ako ngayon sa hallway hinahanap si Blesilda. Agad kong nakita ang mga kaibigan ni Nathaniel Sebastian Vergara. Sikat sila dito sa school namin. Hindi naman yung tipong nababasa niyo sa mga story na tinitilian ng mga babae kung dadating. Basta sikat at kilala sila dito. Gwapo kasi sila at athletic.

Maya maya dumating si Nate. Gwapo niya talaga. Nakakashit lang. Tinitignan siya ng mga babae. Normal lang na maipako ang attensyon nila. Ang gwapo kasi.

"Saan ka galing?" Tanong ko kay Blesi.

"Canteen" tipid na sabi niya.

Hinila niya agad ako. "Bar tayo" sabi niya.
Problema ng babaeng to?

"Wala lang. Gusto ko lang" parang nabasa niya agad iniisip ko.

Fast forward

"Gwapo talaga ni Nate" sabi ni Blesi. Tumango nalang ako. Totoo naman talaga. Gwapo siya. Matangkad. Mas gusto ko yung dark gray niyang mata.

Nag order si Blesi ng alak. Hindi naman masyadong strong yun.
Biglang lumapit sila Nate. Nag order din sila. Tinignan ako ni Nate. Nag smile lang ako. Ganun din siya. Maya maya umalis na sila bitbit ang order nila.

Tumunog cp ko.
Kuya Calling ...

Lumabas ako sa bar at sinagot ito.

"Blabs. Nasan ka daw sabi ni mama"
"Kasama ko po si Blesi. Uwi din kami maya maya"
"Tawag ka kung magpapasundo ka"
"Wag na kuya. Dala ni Blesi ang sasakyan niya"
"Sige ingat kayo pag uwi"
"Sige po"

Inoff ko agad ang cp ko. Babalik na sana ako sa loob ng ..

"Hi" Bati ni Nate. Shit ang gwapo talaga.

"Uhm. Hello" Ngiti ko sa kanya.

"Nate pala" Sabay lahad ng kamay.

"Alexis" Nakipag shake hands ako. Ang lambot ng kamay.

"Pasok na muna ako" Sabi ko. Hindi naman ako yung tipo ng babae na matatameme sa kagwapuhan niya.

"Wait" Pigil niya. Humarap naman ako sa kanya.

Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong pisngi at hinalikan ako. Hindi muna ako tumugon sa halik niya pero maya maya. Na realize ko na lang na humahalik ako pabalik sa kanya. So ano naman?? Hinalikan na nga ako, aangal pa ba??

Simula ng gabing yun. Palagi na kami nagkikita ni Nate ng palihim. Minsan pumupunta siya sa kwarto ko. Nag kwekwentuhan. Naghahalikan. Ganun lang. Nag tagal yung set up namin hanggang summer pero ng magsimula na ang pasukan wala na kaming communication hanggang sa nagkita kami ulit kagabi.

Hindi ko naman siya hinabol. Hinayaan ko lang na tuluyan na talagang mawala ang koneksyon namin sa isa't isa. Di naman ako na develop nun eh pero na miss ko talaga mga halik niya. Perv lang.

May girlfriend na din naman siya kaya siguro naputol yung namamagitan samin. Kilala ko yung gf niya. Mabait din naman. Kaya di ko na sila ginulo.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon