Ilang araw ang lumipas pagkatapos ng huling tawag namin ni Nate. Hindi na din ako umasa na bibisitahin niya ako. He is taking good care of his fiancé-- Jessica.
Umalis si Manang Sonia para mamili ng pagkain. Halos ubusin ko na kasi ang pagkain dito sa bahay. Kasalukuyan ako ngayong nag d-drawing naging hobby ko na kasi ito.
Patuloy parin ako sa pagdrawing ng bumukas ang pinto.
"Manang nakabili ka po ng egg pie?" tanong ko habang tinatapos ang drawing.
"Yndi. It's me" malambing niyang sabi. Napatigil ako sa ginagawa ko. Kumakabog ang dibdib ko nang lingunin ko siya. Nakita ko siyang nakatayo at may ngiti sa labi. Oh God!
Gusto ko siyang halikan at yakapin pero magiging awkward yun para sa aming dalawa.
Lumapit siya at hinagkan ang noo ko. Napapikit ako sa ginawa niya at gusto kong idiin ang labi niya sa labi ko.
"Sorry nagpunta ako kahit ayaw mo" bulong niya sa tuktok ng ulo ko. Gustong-gusto ko Nate!
Tinignan niya ako at dumako ang kanyang mata sa umbok ng tiyan ko. Napangiti siya at ini level niya ang mukha niya dito.
"Hello little one .. Are you okay there? Sorry ngayon lang dumating si Papa" malambing niyang sabi habang hinahaplos ang tiyan ko. Kumirot naman ang dibdib ko.
Tumayo siya at ngumiti sa akin. "How are you? Di ka ba pinapahirapan ng anak natin?" Tanong niya.
Natin. Anak natin.
"I-i'm okay. Di naman siya malikot" ngumiti ako sa kanya.
Tumango siya at tinignan ang dala niya. Napatingin na din ako.
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang bags niya.
"Bat ang dami?" Nagtataka kong tanong.
Tumingin siya sa akin. "I was planning na mag stay dito for a week"
Lumaki ang mata ko sa gulat pero may part din sa akin na gusto ang pananatili niya dito.
"How about Jessica?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo niya.
"She's not here .. nasa Singapore siy kasama sina Tita Antonette" sagot niya.
Nagkatinginan kami. Walang nagsasalita. Walang umiimik.
"Oh iho mabuti bumisita ka" nagulat ako ng may biglang magsalita .
Lumingon si Nate at ngumiti kay Manang Sonia. Tumingin ako sa mga pinamili niya. Napangiti ako ng makita ang egg pie.
Napansin ako ni manang at inabot sa akin ang egg pie. Lumapit ako sa kanya at hinagkan ang pisngi niya.
Tinignan ako ni Nate at lumapit siya upang upang hagkan ang ulo ko.
"I'm tired. Pwedi ba akong matulog?" bulong niya. Tumango naman ako.
Umakyat kami sa taas at naglakad ako patungo sa guest room. Napahinto ako nang di ko maramdaman na sumusunod sa akin si Nate.
Kumunot ang noo ko nang lingunin ko siya na nakatayo parin.
"Where's your room?" mahinang tanong niya. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"bakit?"
"Matutulog ako" He said.
"kaya nga sumunod ka sa akin. Hahatid kita sa guestroom" sabi ko at nagpatuloy sa paglakad.
"I want to sleep in your room... with you and our little one" seryoso niyang sabi kaya napahinto ako at nilingon siya.
I was speechless.
"Now.... where's your room?" seryoso niyang tanong.
Oh God Vergara!
BINABASA MO ANG
EX Friends With Benefits
Romance"Siguraduhin mo lang hindi ka maiinlove sakin ha?" Sabi niya habang hinihimashimas ang pisngi ko. "Oo naman. Hinding hindi" Sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Tinignan muna niya ako ng matagal at bigla niyang siniil ng halik ang mga labi kong u...