Eight♥♥❤

2.8K 31 2
                                    

Nagising ako agad. Gutom ako eh. Nandito parin si Nate sa tabi ko mahigpit parin ang yakap niya. Humarap ako sa kanya ng dahan dahan at tiningnan ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga. Hinawakan ko ang labi niya at hinalikan siya ng marahan.

Dumilat siya. Nanigas ako. "Minamanyak mo na naman ako Yndi" bulong niya. Nahiya naman ako at agad bumangon. Natawa naman siya sa kilos ko.

"Uwi kana. Hinahanap kana ng girlriend mo" sabi ko habang tinatali ko ang buhok ko. Bumangon naman siya at niyakap ako.
"Balik ako mamaya dito" sabay halik sa pisngi ko at lumabas na ng bahay.

Bumababa na ako at naghanap ng makakain. Nasaan ba kasi si Blesi! Naisip ko bigla.

Tumunog ang cellphone ko. Wow ha parang nabasa ni Blesilda ang isip ko ah.

From Blesilda...
Hoy ulol! Dito ako sa bahay. Bar tayo mayang gabi.

Ulol pa talaga tawag sakin? Patayin ko siya eh. Sumang-ayon naman ako sa kanya. Pupunta pa naman sana si Nate mamaya dito.

Gabi na ng sumilip ako sa bintana. Papunta na daw dito si Blesi kaya inayos ko nalang muna ang sarili ko. Wala akong ka arte arte sa katawan. Ayokong maakit ang mga lalaki dun at gahasain pa ako.

"Wow. Ganda ng suot mo manang." Sarkastikong sabi ni Blesi. Inirapan ko na lang siya

Ang daming tao sa bar. Syempre bar to eh!
Agad naman nag order si Blesi ng maiinom. Ang dami ha? Balak ba niya magpaka wasted?

Tahimik na lang ako sa tabi. Meron tong problema kasi tahimik din siya. Wala din ako sa mood makipagchikahan. Nakakatamad.

Maya maya may nag alok sa kanyang sumayaw. Tumango nalang ako. Pangit ba ako ngayon? Wala kasing pu!apansin sakin eh except sa bartender na kanina pa nagnanakaw ng tingin sakin.

Madami na akong nainom. Nahihilo na din ako at umiinit ang katawan ko. Hinanap ko si Blesilda at nag paalam na uuwi na. Busy naman kasi siya sa lalaki niya eh.

Lumabas ako sa bar. Madami namang tao sa labas kaya di ako natakot mag abang ng taxi. Ilang minuto pa ay may taxi ng huminto sa tapat ko. Sumakay naman ako.

Ewan ko kung anong tumatakbo sa isip ko nung tinanong ako ng driver kung saan ako bababa at yung address na yun ang nasabi ko.

Ilang minuto ang nakalipas at nandito na ako sa tapad ng bahay nila. Tinitigan ko lang ang gate nila. Patay na ang ilaw at mukhang tulog na siya.

To 0912*******
Labas ka muna. Dito ako
At sinend ko na iyon.

Maya maya may bumukas na ilaw sa bahay nila. Bumukas din ang pintuan nila. Nakatopless lang siya at nakaboxers halatang nagtataka siya kung bakit nandito ako.

"Wala ka sa inyo kanina" sabi niya habang binubuksan ang gate. "Kaya nga ako nandito eh" sagot ko sa kanya.

Pagkabukas ng gate ay agad ko siyang sinunggaban ng halik. Gustong gusto ko kasi matikman ang mga labi niya ngayon. Di naman ako masyadong lasing. Sakto sakto lang.

Kumunot ang noo niya. "You came here para lang halikan ako? Yndi. Pwedi naman ako ang pumunta sa inyo"

Nag roll eyes nalang ako. Ngumiti naman siya sakin at inalok ako na pumasok sa bahay nila.

Walang tao sa bahay nila. Siya lang. Di na ako nagtanong kung nasan kasama niya. Tamad ako eh.

"Saan kwarto mo? Dun tayo" sabi ko sa kanya. Nagtataka naman siya. Noon kasi kapag pumunta ako sa kanila sa sala lang talaga gusto ko. Sa sala na nga kami naghahalikan eh. Nakita pa kami ng mama niya. Nakakahiya talaga.

Hinawakan niya kamay ko at umakyat na kami ng hagdan. Kinilig naman ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

Agad niyang binuksan ang kwarto niya. At humarap sakin.
"Now what?" Tanong niya sakin.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Gusto ko to eh. Wala akong pakialan kung ano ang sasabihin niya.

"Have sex with me, Nate" diretsong sabi ko sa kanya habang makatitig sa mga mata niya.

Guys, vote po kayo at magcomment nadin po :))) love yeah💋💋💋
-AAo8♥♥❤

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon