Twenty Two♥❤❤

2.1K 29 0
                                    

Alexis'

Kasalukuyan akong naghihintay na sunduin ni kuya sa airport. Oh yes nakauwi na nga ako sa Pilipinas pero after one month babalik din ako sa America.

Bigla akong napatili ng makita ko si Kuya na nagwave sakin. Halos itulak ko ang mga taong nakaharang sa daan. Agad kong niyakap ng napakahigpit si Kuya. Napagkamalan na yata kami ng mga tao na magjowa kami.

"Di mo naman ako ganun ka miss nuh ?" Tumawa ng mahina si Kuya at hinalikan ang tip ng ilong ko.

Tinignan ko naman siya ng masama at tumawa naman siya. Agad niyamg binuhat ang maleta ko at ako naman ay halos ayaw bumitaw sa paghawak ko sa braso niya.

Sobrang namiss ko si Kuya. Ang gwapo kong kuya. Haha Ano to? Incest?

"Sinabi na ba sayo ni Mama?" Tanong ko sa kanya.

"Yup. Pero dadating naman siya sa rehearsal ng kasal ko" napangiti si Kuya ng sinabi yun.

Workaholic talaga si Mama. Wala na nga siyang appearance sa storyang ito pati din si Blesilda. Napakatamad talaga ng Author ng storyang to. HAHAHAHA Peace yow✌✌✌

Agad kaming sumakay sa kotse ni Kuya. Napangiti naman ako habang tinitignan ang daan. This is home.

"Kumusta nga pala yung hilaw mong boyfriend?" Natatawang tanong ni kuya.

Nakakainis talaga si Kuya. "Break na kami nun"

"Alam ko pero di ba friends pa din kayo? Bat di mo sinama?" Seryosong tanong niya.

"Nasa London siya" tipid kong sagot.

Naging tahimik na si Kuya. Pagod din ako para makipagkwentohan. Maya maya ay nakatulog na ako.

Nagising na lamang ako ng yugyugin ako ni kuya.

"Wake up Sleepyhead" malambing na sabi ni kuya.

Agad naman akong bumaba sa kotse at tinignan ang bahay namin. Namiss ko to sobra. Ang dami na kasing nangyari dito.

Tumakbo ako papasok ng bahay. Agad akong pumunta sa kwarto ko. Wow! Ganun parin ang silid ko pero mukhang pinalinis ni kuya kasi wala ng kalat at dumi.

"Pinalinis ko na yan" sabi ni kuya sabay lapag ng maleta ko.

Napangiti naman ako at nag thank you na din. Humiga na din ako sa kama.

"Ok ka lang ba dito Blabs? Uuwi ako muna" nag aalalang tanong ni kuya.

"Oo naman kuya" ngiti ko pa.

May sarili na kasing bahay sila ni ate Sabrina. Pinag ipunan talaga nila yun. Nakakainggit lang.

Agad kong ipinikit ang mata ko at nagpatangay na sa antok.

Mahigit tatlong oras din ang tulog ko at hapon na ng gumising ako. Nakaramdam ako agad ng gutom. Nagbihis na ako naka Pj's lang ako at printed white shirt.

Naisipan ko na ding bumaba at magkalkal ng pagkain sa ref. Sana lang may laman yun. Gutom na gutom pa naman ako.

Makarinig ako ng ingay sa baba. Mga tawa ng lalaki. Siguro ay nandito ang mga kaibigan ni kuya.

Bumababa na ako at hindi tinignan ang mga tao sa baba. Gutom na gutom na ako eh.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon