Nineteen♥❤❤

2.1K 27 1
                                    

Kasalukuyan akong naghihintay sa flight ko ngayon. Ako lang mag-isa. Si kuya kasi busy sa presentation niya sa school.

Inaaliw ko nalang ang sarili ko sa pakikinig ng mga kadramahang kanta sa cellphone ko. Yes, hinihintay ko ang text ni Nate. Gusto ko lang siyang makita sa huling pagkakataon.

Wala parin akong natatanggap na text. Nalungkot naman ako at inilibot ang aking mga mata sa paligid, nagbabakasakaling nandyan siya sa tabi.

Nag beep ang cellphone ko.

From: NSV
Sorry. Can't go there. Nagpapasama kasi si Jess eh. Have a safe flight. Take care.

Agad namang kumurot ang dibdib ko pero naisip ko ano nga ba naman ako sa kanya? Isa lang naman akong babaeng paraosan niya.

Inaamin ko naman na kasalanan ko to. Ako ang nag umpisa kaya dapat wag akong umasa pa. Ayoko din na sirain ang relasyon nila ni Jess.

To: NSV
Ok lang yun. Cge salamat:)

Sinend ko naman ito. Naiiyak ako na hindi ko alam kung bakit pero siguro ay dahil mamimiss ko siya. Pinunasan ko naman ang luhang kumawala sa mga mata ko.

From: NSV
Cge.

Akala ko pa naman ay mahaba ang isasagot niya. Wala lang pala ako talaga sa kanya. Bat pa ba kasi ako naniwala na pupuntahan niya ako.

Ewan ko kung anong sumagi sa isip ko at bigla akong napatype sa cellphone ko.

To: NSV
I'll miss you. Love you.

Wala naman sigurong mawawala sakin kung isend ko to eh isa pa aalis na naman ako at mawawala na sa buhay niya.

Pinatay ko na ang cellphone ko at ayoko ng malaman pa kung anong sasabihin niya kahit mag iloveyoutoo pa siya sakin ay ayaw ko ng alamin.

Agad kong binitbit ang maleta ko at tuluyan ng umalis.

Sana maging masaya ako sa pupuntahan ko kahit walang Nathaniel Sebastian dun.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon