Twenty One♥❤❤

2.1K 26 0
                                    

Nate's

It's been two years. Madami ng nabago sa buhay ko. Engage na kami ni Jessica. I love her so much. Siya ang nagbibigay ng saya sa buhay ko.

I was about to call Jessica para ayain siya ng dinner ng makita ko ang pangalan ni Yndi sa contacts ko. Alam ko naman na hindi na niya ito ginagamit dahil tinatawagan ko ito minsan at hindi na nagriring.

I wonder if she's okay. She never replied to my messages sa facebook palagi nalang seen. Naalala ko pa ang huli niyang text sakin saying that she'll gonna miss me and mahal niya ako.

Napangiti ako ng mabasa ko iyon. Tatawagan ko sana siya pero patay yata ang cp niya. On the way na kasi ako sa airport nun. I lied to her na magpapasama si Jessica.

Nang makarating na ako sa airport nakita ko siya pero papasok na siya sa shuttle na maghahatid sa kanya sa airplane na sasakyan niya.

I never had the chance to say goodbye. Napangiti nalang ako ng makita ko siya sa loob na naka upo at nakasaksak sa tenga niya ang headset. Atleast nakita ko siya bago siya umalis.

After that. Palagi ko siyang minimessage at kinakamusta. Tinitignan ko din ang mga post niya. Pero kahit isang reply ay wala akong natanggap.

May post siyang hindi mawala sa isip ko.

I'm sorry for losing you baby.

May boyfriend siya agad after 2 months niyang stay dun?

Nabalik ako sa realidad ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti naman ako ng makita ko ang pangalan ni Jessica.

"Wife" napangiti ako ng sabihin ko iyon.

"Kaw ha. Kina career mo na ang patawag sakin niyan." Tumawa siya ng mahina.

"Ayaw mo?" Napasimangot naman ako.

"Hindi ah. Gusto ko nga eh. Hehe nga pala hon. Nagluto ako. Dinner date tayo sa bahay ha?" Paglalambing pa niya.

This is why I love her so much. Siya na talaga ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

"Sure hon. I love you" seryoso kong sabi sa kanya.

"I love you even more" sabi niya.

Kaya siguro inalok ko siyang magpakasal dahil mahal na mahal ko siya at ni minsan ay hindi siya gumawa ng kataksilan sa relasyon namin at hindi counted dun ang pagka patay na patay niya kay Andrew Garfield.

Binaba ko ang phone ko ng bigalang tumunog na naman ang cellphone ko.

"Hello?"

"Nate. It's Stephen"

"Oh pare. Napatawag ka?"

"Pre. Ikakasal na ako next week gusto kong maging groomsmen ka"

"Shit. Seryoso ikakasal kana?"

"Langya pare. Oo naman ikaw lang naman tong makupad eh"

"Oo pare. Makakatanggi pa ba ako?"

"Cge salamat pare"

Ibababa ko na sana ang cellphone ko ng may bigla akong naitanong sa kanya.

"Is Alexis coming home?"

"Syempre naman pare ! Kapatid ko yun. Tanga lang?"

Natawa naman ako. Oo nga noh? Kapatid niya si Yndi kaya sigurado aattend yun.

"Gago ka. Sige na. Istorbo ka eh"

At agad kong inend ang tawag. Napasandal naman ako sa headboard ng kama ko.

"I'll see you soon Alexis" napabulong nalang ako.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon