Twenty Five♥❤❤

2.2K 31 0
                                    

Matapos umalis si Nate sa kwarto ko dalawang araw na ang nakakalipas ay di ko na siya nakita.

"Malalim yata iniisip mo?" Tanong ni kuya.

Napatingin naman ako sa kanya sabay subo ng pancake. Nakakatamad talagang lumabas tapos wala pa si Blesi. Ewan ko ba parang wala na siyang appearance sa storyang ito.

"Wala naman kuya" sabi ko habang nginunguya ang pagkain. Simula ng dumating ako dito ay hindi na ako lumalabas ng bahay. Ayoko kasing umitim. Haha joke lang yun.

"Is it about sa anak niyo?" Mahinahong tanong ni kuya.

Napatingin naman ako sa kanya ng seryoso. Tanggap ko naman ang nangyari kaya di na ako masyadong naaapektohan pero minsan masakit din pag naaala ko yun.

"Di na niya kailangang malaman iyon" sabi ko at pinagpatuloy ang paglantak sa pancake.

"He'll know. Sooner" seryoso niyang sabi.

"Tigilan mo nga kuya yang kaka english mo ! Nakakasawa na" naiirita lang talaga ako.

Tumawa naman si Kuya at ginulo ang buhok ko sabay tayo. Aalis kasi siya dahil may lakad pa daw sila ni Ate Sabrina.

Pagkatapos niyang mag paalam ay sinira ko na ang pinto. Nasanay na akong mag isa dito sa bahay. Ok lang naman sakin dahil tamad akong gumala.

Umupo na ako sa sofa at binuksan ang t.v. ganito na palagi ang routine ko. Kain. Tulog. Nood. Ligo. Kain ulit

Di naman ako nababahala kong tataba ako. Ang sarap kaya kumain lalo na kapag boring.

Minsan kasi kapag mag isa ako mas lalo akong sumasaya. Yung wala kang aalahanin. Walang problema. Walang stress. Wala-----ng.

Ay tangna! Sino ba yang nag dodoorbell? Langya! Kitang nagdadrama ako eh. Panira.

Tumayo ako at binuksan ang pinto.

Wala akong nagawa ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako ng marahan sa labi. Smack lang.

"Hi" bati niya. Nasuntok ko naman siya at nagulat ako ng matumba siya.

Hala lagot ! Napalakas yata ang suntok ko. Hindi naman siya nahimatay pero napaupo siya sa sahig. Nagulat siguro siya sa ginawa ko. Kasalanan niya! Nagulat din ako sa ginawa niya eh.

Napahawak siya sa kabilang mata niya at tumingala sakin.

"May ice kayo?" Tanong niya.

Pinapasok ko naman siya at pinaupo sa sofa at nagmadali akong kumuha ng ice.

"Ikaw naman kasi nanggugulat ka" inis na sabi ko habang dinampi ang ice na may cloth sa mata niya.

"Sorry. Nakalimutan ko lang" sabi niya.

Kumunot ang noo ko.

"Nakalimutan ang alin?" Nagtatakang tanong ko.

Pero di na siya sumagot. Idiniin nalang niya ang ice sa mata niya. I feel bad for him kaya tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa mata niya at hinalikan ko ang pasa sa may mata niya.

Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Sorry" malambing kong sabi. Nag nod naman siya kaya di na ako nagsalita pa.

"Bat ka pala nandito?" Natanong ko bigla.

"Your brother called na mag isa ka lang dito" sabi niya.

"Pinapunta ka niya dito?" Tanong ko.

"Hindi. Sinabi niya lang na mag isa ka lang dito" sabi niya na parang sinasabi niya na ang slow ko.

Tumango nalang ako. Tinitigan ko lang siya.

Matangos parin ang ilong niya. Pinkish parin ang labi niyang noon ay araw araw kong natitikaman. Napatingin naman ako sa dark gray niyamg mga mata. Nakaramdam ako ng kakaiba. Yung parang gusto ko siyang yakapin at halikan.

Tinitigan niya ako at ngumiti siya ng konti. Konti lang.

Siguro kong nabuhay ang anak namin ay tiyak maganda o gwapo yun. Sana mamana niya ang kulay abo na mga mata ni Nate.

Bigla naman akong napaiyak ng di ko namalayan.

"Hey. Why are you crying?" Sabi niya saka pinahiran ang luha kong kumawala sa mata ko. Traydor na luha.

"Ha? Hindi ah. Napatagal lang ang titig ko" palusot ko pa.

Pero parang di tumalab ang palusot ko dahil bigla niya ako niyakap ng mahigpit na mahigpit.

"I missed you so bad" bulong niya sakin.

Ayan ka na naman Nate. Papaasahin mo na naman ako.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon