Thirty Three

2.1K 30 2
                                    

chapterKAYEreaL para sayo tong update na to 😘😘😘 salamat salamat . Enjoy!🎉🎉

Halos mahimatay ako sa naging usapan namin ni Nate. Ayoko namang ipagdamot ang anak namin pero ayoko din siyang bigyan ng pagkakataon na mapalapit ito sa kanya.

Kasalanan ko kasi naging pabaya at makasarili ako. Hindi ko inisip na may masasaktan sa mga ginawa namin. Si Jessica. Di ko man lang siya naisip.

Siguro ay kaparusahan ito sa amin ni Nate pero ayokong isipin yun kasi isang biyaya ang magkaroon ng anak.

Naging marupok ako. Isang tingin lang ni Nate ay bumibigay na ako. Pero sana din ay umiwas na siya sa akin para di na humuntong sa ganito.

Ayokong lumaki ang anak ko na walang kinikilalang ama pero sa sitwasyon namin ay siguro yun na ang itinakda.

Iyon na ang huli naming pag-uusap ni Nate. Ako na lang ang umiwas dahil alam kong makakasira ako ng isang relasyon.

Nalaman namin malapit na ang kanyang kasal at naghahanda na sila para sa event na iyon. Kaya ako? Eto sinasarili ang sitwasyon.

Nang malaman ko yun ay nakapagdesisyon akong lumayo. Siguro ay babalik ako kung okay na ang lahat. Ayoko munang guluhin si Nate ngayon. Gusto kong makapagdesisyon siya ng tama.

Wala naman akong balak na itago ang anak namin sa kanya. Ang gusto ko lang ay bigyan si Nate ng panahon na unahin ang tama. Gusto kong maging mabuti siyang ama at asawa kahit mahirap yun sa akin ay tatanggapin ko dahil iyon ang tama.

Babalik lang ako kung alam kong ito na ang panahon. Ayokong magkagulo ang lahat at mas ayaw kong makita si Nate na nahihirapan sa sitwasyon.

Minsan napapaisip ako kung bakit ginawa ito ni Nate. Bakit niya ako binuntis kahit alam namin na magiging problema ito sa amin.

"Iha. Kumain kana nakahanda na ang pagkain" Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Manang Sonia.

Agad akong pumasok sa loob at tinungo ang kusina. Nasa probinsiya ako ngayon dahil gusto ko ng payapang lugar upang maging madali ang pagbubuntis ko. Kasama ko si Manang Sonia katiwala namin noon.

Agad akong umupo at tinignan ang pagkain. Napangiti ako ng makita ko ang niluto ni Manang talagang magiging healthy neto si baby.

"Tumawag nga pala si Nate kanina iha" napahinto ako sa pagnguya ng pagkain. Tinignan ko si Manang at nakangiti siya sa akin.

"Bat ba kasi ayaw mong papuntahin yun dito?" Tanong ni Manang.

Araw araw si Nate tumatawag sa akin para kumustahin ako pero ayokong pumunta siya dito dahil ayokong makihati sa oras niya kay Jessica.

"Ah. Ayoko ko pong maabala siya" tipid kong sagot.

Kumunot ang noo ni Manang. "Eh ano naman? Siya naman ang ama ng bata"

"Manang. Inaalagaan din niya kasi ang asawa niya. Ayokong makisawsaw" mahina kong sabi.

Nalungkot si Manang pagkasabi ko nun. Gustuhin ko mang pumunta dito si Nate pero hindi talaga pwede lalo na't malapit na ang kasal nila.

Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako kaagad sa kwarto pra magpahinga dahil inaantok na talaga ako.

Umupo ako sa kama at sakto namang nagnring ang cellphone ko.

"Yndi" mahinang tawag niya sa akin.

"Oh Nate" tipid kong sagot.

"Kumusta ka? Kumusta ang anak natin?"

Kumusta ang anak NATIN.

"Okay lang naman. Katatapos lang naming kumain" sabi ko.

"Take good care of our little one Yndi. Puntahan kita jan"

"HA? wag na! Okay lang kami dito tsaka binibisita naman ako ni Kuya at Mama" sagot ko.

There was a long pause.

"Bat ayaw mong pumunta ako jan?" Medyo inis niyang tanong.

"Hindi naman sa ayaw ko Nate. Ayoko lang maabala ka"

Di siya nagsalita.

"Matutulog na ako Nate" bulong ko.

"Fine. Kung ayaw mo di na kita pipilitin" inis niyang sabi.

"Nate naman..."

"Wag na Yndi. Wag mo na akong itaboy" seryoso niyang sagot.

Medyo nainis ako ng walang dahilan.

"Goodnight little one. Wag mo pahirapan si Mama Yndi ha? I'll see you soon baby. I love you". Malambing niyang sabi.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"I love you too" bigla kong nasabi.

He chuckled.

"Oy. Ah eh ano kasi. Wala nabigla lang ako." Palusot ko pa.

"Charming as ever. Kaya binuntis kita eh'. Pilyo niyang sagot.

Nainis naman ako. "Ewan ko sayo tangina ka!"

"Yndi. Langguage please. Punta ako jan ititikom ko yang bibig mo.... gamit lips ko" bahagya siyang tumawa.

"Putangina ka! Leche. Bye! Wala kang kwenta kausap" sigaw ko pa.

"Handa mo lips mo sakin ha? Pagsasawaan ko yan" at tumawa siya.

"PUTANGINA" sigaw ko at pinatay ang tawag.

Tangna ka Vergara! Mapapaanak ako neto ng wala sa oras.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon