Thirty One ♥❤❤

2K 37 0
                                    

Sorry sa matagal na update. Mukhang wala namang nagagandahan sa story eh. Nakakatampo na 😔😔😔😔

"Yndi?" Malambing niyang bungad sa akin.

Ano ba ang dapat kong sabihin? Bat ba siya napatawag? Nakakainis naman siya eh. Imbis ayokong ma stress.

"Hi" mahina kong sabi.

"How are you?" nag aalala niyang tanong sakin.

"Uh. I'm okay Nate. Bakit?" nangangambang tanong ko sa kanya.

"It's been months. Nangungumusta lang" seryoso ang tono ng boses niya.

"Okay" tipid kong sabi. Wala naman akong sasabihin sa kanya eh. Ayoko pa kasi sabihin sa kanya. Ayokong masira ang relasyon nila ni Jess.

"Punta ako jan"  He said and inend na niya ang tawag.

What the punyeta??? No. Hindi dapat niya malaman to.

Napaupo na lamang ako at pinipiga ang utak ko kung anong gagawin ko. I touched my tummy. I'm three months pregnant at di naman masyadong malaki ang tiyan ko.

"Yndi? Still there?" Ha? Nakalimutan ko tuloy na katawag ko pa si Nate.

"Ah. Masama kasi pakiramdam ko Nate baka susunod nalang" palusot ko sa kanya.

May katahimikan.

"Ah. Ganun ba? Sige. Take care. Don't forget na uminom ng gamot" malambing niyang sabi.

Inend ko agad ang call. Ayoko ng marinig pa ang sasabihin niya. Masasaktan lang ako at hindi iyon healthy para kay baby.

Humiga na lamang ako at nagpatangay na sa antok.

_____________

Nate's

It's been months na di ko nakita si Yndi. I miss her so much. Pero ako ang umiwas na mag krus ang landas namin. Unfair naman kasi kay Jessica. I love Jess so much and were getting married soon. Maybe months from now or years.

Dadalawin ko sana siya coz i want to see her. I decided to go to the hospital para dalawin si Jess. She's a nurse. Gusto ko din bumawi sa kanya dahil sa mga ginawa ko behind her back.

As soon na makarating ako sa hospital ay agad akong nagpunta sa nurse station.

"Hon. Napadalaw ka" sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

"I miss you" sincere kong sabi sa kanya.

She smiled. God! That smile.

"Busy ako hon eh. Madami pasyente" naka pout niyang sabi.

I smiled. "It's okay. Hihintayin nalang kita"

Umalis na muna ako sa station at nagsimula ng maglibot.

"Nathan?" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Erica.

"Hoy! Kumusta ka?" Masigla niyang tanong.

Tinignan ko ang umbok ng tiyan niya. Sumunod naman si Jake. Nagkatuluyan pala tong dalawa. Dati rati parang may digmaan kapag nagkalapit sa isa't isa pero ngayon nakabuo na pala.

"I'm fine. You?" I asked.

"Naks. Umeenglish kana pre ah" biro ni Jake.

"Di ka naman nakapag abroad eh" kantyaw ni Erica.

"Si Alexis nga di nag eenglish eh. Galing yun sa America" sabat ni Jake. Yndi. Bat kinakabahan akong marinig ang pangalan niya.

"Oh emmsss ! Si Lexis ! Kumusta na siya? God. Last time nagkita kami dun pa ako sa US" sabi ni Erica.

"She's fine. I guess" alinlangan kong sagot.

"May sakit ba siya? Baka di pa siguro siya nakakarecover" malungkot na sabi ni Erica.

Recover? Recover saan?

Kumunot naman ang noo ko. "Recover sa ano?"

Tinignan ako ni Jake na may pagtataka.

"Di mo alam?" Tanong niya.

Di ako sumagot.

"Buntis kasi siya nung nasa States siya. Pero sa kasamaang palad nakunan siya" malungot na sabi ni Erica.

Buntis. Fuck!

"Sino ang ama?" Tanong ko.

Nagkibit balikat silang dalawa.

"Ewan. Kala ko nga alam mo eh. Close kasi kayo. Buntis na siya bago pa siya umalis ng bansa. Siguro yung boyfriend niya dito ang ama" paliwanag ni Erica.

Buntis na siya bago pa siya umalis ng bansa. Fuck!

Biglang naging blangko ang utak ko. Di ko alam kung ano ang iisipin ko.

Am I the father?

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon