Thirty Five

2K 30 0
                                    

Pinagmasdan ko lang si Nate habang mahimbing na natutulog.  Gusto kong tabihan siya pero may kung anong pumipigil sa akin.

Umalis ako sa kwarto ko at nagtungo sa balcony. Hinaplos ko ang tiyan ko at napangiti ako. Sana magkaroon ang anak ko ng buong pamilya.

Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit pa ako nakisawsaw sa relasyon ng iba. Alam kong may mahal na si Nate pero siniksik ko pa rin ang sarili ko. Mahal ko lang talaga siya na kahit hindi tama ay ginawa ko para lang makuha ang atensyon niya.

Noon sobra akong lumait sa mga babaeng nakikisawsaw at nang aagaw ng asawa o bf ng iba pero ngayon alam ko na ang dahilan nila.

Yung ang lalaking mahal mo ay may iba na pero umaasa ka pa rin na magkakatuluyan kayong dalawa.

Oo. Palagi kayong magkasama sa kama pero hanggang doon lang.

Alam ko naman na walang nararamdaman sa akin si Nate pero umaasa parin akong may konting pagmamahal na makukuha sa kanya.

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Agad kong pinunusan ang luha na kumawala sa mata ko.

"Hey" nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.

Tinignan ko si Nate at nakalimutan kong namumula ang mga mata ko.

Lumapit siya sa akin at pinunasan ang matitirang luha sa mga mata ko.

"May problema ba?" malambing niyang tanong.

Umiling akobat pinilit ngumiti sa kanya.

"A-ah wala naman" pilit kong ngiti sa kanya.

Pero di yun tumalab sa kanya. Tinignan niya ako ng seryoso.

"Wala nga sabi" seryoso kong sabi sa kanya.

"Bat ka umiiyak?" seryoso miyang tanong sa akin.

"Wala. May naalala lang akong katangahan ko" medyo inis na sabi ko sa kanya.

Natahimik kaming dalawa.

Unti-unti siyang lumapit sa akin at napako ako sa kinatatayuan ko. Huminto siya sa tapat ko at tinignan ako ng seryoso.

"N-nate pwedi lumay--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko.

"Alam kong ako ang katangahan mo" seryoso niyang sabi at hinalikan ulit ako sa noo.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon