Thirty Two❤❤♥

2.1K 38 0
                                    

Alexis'

Gutom na naman ako. Kainis palagi nalang ganito tiyak tataba ako neto. Bumaba ako at tinungo ang ref.

Ano ba naman baby, ginugutom mo palagi si mommy bulong ko at tuluyan ng sinunggaban ang ref. 😂😂😂😂 pero nadismaya ako ng wala akong makitang egg pie.

Sinearch ko ang laman ng ref at nakita ko ang peanut brittle at kinuha ko naman ito agad at matakaw na kinain. Napaupo ako sa kitchen counter.

Masarap na nilalasap ko ang pagkain ng biglang bumukas ang pinto. Napahinto ako sa nakita ko.

"Yndi" mahina niyang sabi.

Fuck! Help me. Bat siya nandito?

Tila napako ako sa kinauupuan ko at di makapagsalita.

Palapit siya sa akin at huminto sa tapat ko. Tinitigan niya ako ng mabuti. Ako naman ay walang magawa kundi titigan din siya.

"Ako ba ang ama ng dinadala mo noon?" Seryoso niyang tanong.

Nanlaki naman ang mata ko at di makapaniwala sa naging tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya. " anong pinagsasabi mo?"

Mas lumapit pa siya sa akin at seryosong nakatingin sa akin.

"Buntis kana bago ka umalis" He said.

Di muna ako nagsalita at ganun din siya. Maya maya humugot ako ng hangin at tinitagan ko siya.

"Yes. I was pregnant that time" I seriously said.

"Ako ba ang ama?" Tanong ulit niya.

I know maiiyak na ako pero pinigilan ko ito at naglakas loob na sagutin ang tanong niya.

"Oo Nate" sabi ko at tumingin sa sahig. Ayokong makita ang reaksyon niya.

Di ko alam kung sisigawan niya ba ako o magwa-walkout siya after niya malaman ang totoo.

"Bat di mo sinabi?" nanginginig na tanong niya.

"I-i want to tell you pero ayokong makagulo sa relasyon niyo" maiyak-iyak kong sabi.

"Yndi. Anak natin yun dapat ay sinabi mo saakin" seryosong sabi niya.

Hindi ba siya magwawala? O kaya sigawan niya ako? Bat ang cool lang niya?

"See. Kasi balewala lang sayo. Tulad ngayon nalaman mo na may anak tayo pero wala ka man lang pinakitang reaksyon" inis na sabi ko sa kanya.

"I don't know what to feel Yndi. Gusto kong magalit sayo pero mas galit ako sa sarili ko" sabi niya pero di parin ako tumitingin sa kanya.

"Okay lang Nate. Nakarecover na ako sa trahedyang yun. Please leave." Walang gana kong sabi.

Ilang segundo niya ako tinitigan. Nakatitig din ako sa kanya.

"Naguguluhan ako Yndi. Di ko alam kung anong sasabihin at gagawin" seryoso niyang sabi.

"Wag mo nalang isipin para walang problema" at napayuko na lamang ako.

Ayokong malaman niya na buntis ako. Ayokong makahadlang sa kaligayahan niya. Ayokong magmukhang tanga na maghahabol sa atensyon niya at higit sa lahat ayokong manlimos ng pagmamahal niya.

Mas lumapit pa siya sa akin. Sa sobrang pagkataranta ko ay tumayo ako.

Napatingin naman siya sa tiyan ko. Fuck! Fuck! Fuck!

Agad akong umatras pero mas lumapit siya. Gustong magsalita pero di ko alam ang sasabihin.

"Yndi. Please pag usapan natin to" seryoso niyang sabi habang papalapit sa akin pero ako naman ay panay ang atras at iwas sa kanya.

"Okay lang talaga Nate. Please umalis kana baka hinahanap kana ni Jess" sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Napatigil naman siya sa paglapit sa akin at natahimik kaming dalawa. Bigla niya akong niyakap at halos maitulak ko siya sa sobrang kaba at gulat.

Tinignan niya ako at halos tumalon ako sa takot ng hawakan niya ang tiyan ko. Agad naman akong umatas at dumistansya sa kanya.

"That's mine. You're carrying OUR baby" seryoso niyang sabi. Ang sarap pakinggan nung sinabi niyang anak namin ito.

Nalito ako. Bat alam niya? Napansin ba niya ito nang yumakap siya?

"Yndi. Please take good care of our baby" sabi niya ng nakangiti at lumayo sa akin.

Ako lang ang mag aalaga nito? Tinignan ko siya habang nakatalikod at papunta sa pinto.

Lumingon siya at tinignan ako.

"This time pangako di ko kayo pababayaan. I'll be there for you and sa anak natin" seryoso niyang sabi.

How about jessica? Naisip ko bigla.

"I'll go now. Take good care of our baby, Yndi. Babalik ako mamaya" sabi niya at binuksan ang pinto.

"and.. Yndi? Please. Stay inlove with me" and with that tuluyan na siyang umalis.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon