Seven♥❤❤

3K 32 0
                                    

Matapos ang pagbisita ni Nate skin naging back to normal din ang lahat pwera sa presensya ng aking madaldal na kaibigang si Blesi. Ewan ko kung nasaan ang babaeng yun, wala tuloy akong kasama pumasok.

Bumaba na ako. As usual ako lang din mag isa. Nagsimula na akong magluto kahit nakakatamad naman talaga. Wala akong ibang magawa. Ewan ko kung anong kalokohan ang sumagi sa isip ko ng e.dial ko ang number ni Nate. Nagring naman ito at sa ika tatlong ring sinagot niya ito.

"Yndi" sagot niya.
"Uhm. Err hello" bati ko.
"Bat ka napatawag?" Tanong niya.
"Busy ka ba?" Shit! Ano ba tong ginagawa ko.
Ilang segundong tahimik at walang umimik.
"Miss me? I'll be there. Hintay lang mga 30 minutes"

Di ko naman siya na miss eh! Pero gusto ko talaga siyang makita eh. Alam niya talaga na gusto ko siyang pumunta dito. Agad ko naman tinapos ang pagkain at naligo na din.

Naka towel lang ako ng may nagdoorbell. Siya na ata yun. Aba himala ah! Dati kasi umaakyat lang yan papunta sa kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto. Siya nga. Napakunot siya ng noo ng makita niya na tanging towel lang ang saplot ko. Maya maya tumawa ito ng mahina. "Pinaghandaan mo talaga ang pagpunta ko dito nu?"

Kainis to! Pauwiin ko nga nalang to. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at pumunta nalang sa kwarto at sumunod naman siya.

"E.lock mo yung pinto" utos ko. Natawa naman siya. "Oh bakit?" Tanong ko.
"Wala namang makakita sa atin eh" Kinindatan niya ako. Loko talaga to. Di lang ako sanay na hindi maglock ng pinto.

Hinubad ko ang towel. Gulat kayo nu? Syempre may undies na ako agad. Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sakin.

Noon kasi nung may koneksyon pa kami palagi akong nagbibihis sa harapan niya. Di naman siguro siya naakit eh tinitignan lang niya kasi ako.

Humiga siya sa kama ko. Ewan ko ba! Parang gustong gusto kong tumabi sa kanya at isiksik ang ulo ko sa leeg niya. Alam kong mayroon na siyang gf pero gusto kong magpalambing sa kanya.

Tinignan ko siya. "Di ba kayo magkikita ni Jessica?" Tanong ko. Tumingin siya sakin "Hindi. Wala siya eh may family bonding daw sila" tumango nalang ako.

Tumabi ako sa kanya pero nakaupo lang ako. "Pweding pakiss?" Tanong ko. Takte! Bat ko ba sinabi yun? Nakakainis tong mga hormones na to! Pinapahiya ako.

Tinignan niya ako ng seryoso. Bumangon siya at hinalikan ako agad. Shit! Ang sarap lang talaga eh. Tumugon na din ako sa halik niya. He kissed me passionately and i'm responding wildly. Namiss ko to! Namiss ko siya!

Matapos ang ilang minuto humiwalay siya sa akin. Tinignan niya ako sa mga mata." Don't you dare fall inlove with me" seryoso niyang sabi.

Nag look away nalang ako para kasing may kirot sa dibdib ko ng sinabi niya yun eh. "I won't" sabi ko na lang.

Humiga ako sa dulo ng kama habang siya ay nasa opposite side ko. Tumalikod ako sa kanya. Iniisip ko kasi ang dahilan kung bakit pinapunta ko siya dito. Ay mali! Hindi ko siya pinapunta! Siya ang kusang nagsabi na pupunta siya dito.

Niyakap niya ako. Nainis ako bigla! Ewan ko ba kung bakit.
Mas lalo pa niyang hinigpitan. Pumikit na lamang ako.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon