"Hi" ngiti niya at tinulungan akong pulutin ang mga nagkalat na libro.
"Mamaya pa matatapos klase ko. Kakapasok ko lang" sabi ko habang inaayos ang mga pinulot na libro.
"Alam ko" tipid niyang sabi at tumayo na ng maayos ng maligpit na namin ang lahat.
"Balik ka nalang dito maya o kaya naman ay pumunta kana sa bahay. Kernel's with Kuya". paliwanag ko sa kanya.
Tumango lang siya at tumalikod na sa akin at umupo sa maliit na silya sa hulihan.
Kinunutan ko siya ng noo pero nakangiti siya sa akin.
Sinabi kong bawal tumambay sa classroom ko pero matigas talaga ang ulo niya kaya wala na akong magawa at nagsimula na sa pagtuturo.
Nakakailang talaga dahil alam kong nakatingin siya sa akin ngayon. Minsan tuloy mali ang napapakita kong pictures sa mga bata dahilan para tumawa siya ng bahagya.
"Okay, how about this? What fruit is this?" masigla kong tanong sa mga bata habang pinapakita ang laarawan ng langka.
"Jackfruit!" masiglang sagot ni Nate sakin.
Pinandilatan ko naman siya. Nakakadistract siya sa klase namin di tuloy makasagot ang mga bata dahil siya ang palaging sumasagot sa mga tanong ko.
Ngumiti lang siya at itinuro ang wristwatch niya.
Napatingin naman ako sa relo ko. Tapos na pala ang session namin at walang nakapagparticipate ng maayos dahil kay Nate.
Dinismiss ko na ang mga bata at isa-isa naman silang lumabas at sinalubong ng kanilang mga magulang.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko at lumapit si Nate.
"Should I get a star or something?" Ngiti niya.
"Wala. Ah meron pala! Most annoying" bored kong sagot.
He chuckled at tinulungan na akong magligpit ng gamit. Lumabas kami ng classroom at nagtungo sa kotse niya.
"Wala kang pasok?" Tanong ko sa kanya.
"Meron" tipid niyang sabi at nag seat belt na.
Tumingin ako sa kanya.
"Di ako pumasok. I'm on daddy duties" ngiti niya at punaandar na ang sasakyan.
Di nalang ako umimik at ayaw kong sirain ang mood niya ngayon baka magkasumbatan ulit kami.
"Ako na ang bahala mamaya kay Kernel. Morning session lang naman ako palagi" sabi ko.
"Alam ko but I want to spend this day with Kernel" seryoso niyang sabi.
Tumango na lamang ako.
"And with you" sabi niya at humigpit ang kapit niya sa manibela.
BINABASA MO ANG
EX Friends With Benefits
Romance"Siguraduhin mo lang hindi ka maiinlove sakin ha?" Sabi niya habang hinihimashimas ang pisngi ko. "Oo naman. Hinding hindi" Sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Tinignan muna niya ako ng matagal at bigla niyang siniil ng halik ang mga labi kong u...