Nagising ako dahil sa maliliit na daliring humahaplos sa mukha ko.
Inimulat ko ang mga mata ko at sinalubong ako ng tawa ng batang nakapatong sa dibdib ko.
"Hi Kernel" bati ko sa aking anak.
Tumawa lang ito at pinaulanan ko ng mga halik. Tinignan ko ang anak ko.
Bumangon ako at kinarga na ang dalawang taong gulang na batang lalaki.
"Mm-aamm-a"
Ngumiti ako at hinalikan ulit ang anak ko.
"Mabuti pa yang anak mo madaling araw pa gising na" sabi ni kuya habang pumapasok sa kwarto ko na may dalang pagkain.
"Mag ayos kana may pasok ka pa" sabi naman niya.
Isa na akong kindergarten teacher ngayon.
Halos himatayin si Mama noon nang sinabi ko sa kanya na kukuha ako ng mga units sa education.
Kahit ako din ay di ko alam kung bakit bigla akong ginanahan magturo.
"Salamat kuya sa pag aalaga niyo ni Ate Sabs kay Kernel ha" sabi ko sa kanya.
"Walang problema. Alam mo naman na adik si Sabbie kay Kernel eh" tumawa ng bahagya si kuya.
Bumangon ako at naghanda na. Naging routine ko na ang gumising ng maaga.
Pagkatapos kong gawin ang mga nakaugalian kong gawaiinay nagpa alam na ako kay Kuya at sa aking anak.
Sinalubong ako ng magandang panahon ngayon.
Napangiti naman ako sa tanawin.
It's been two years since that day.
Nang makarating ako sa paaralan ay sinalubong ako ng mga estudyante kong parang mga minions.
"Hewo m-maam" bati ng isa. Natawa naman ako at hinaplos ang pisngi niya.
"Hello din" ngiti ko sa kanila.
Sila ang naging kaligayahan ko netong nagdaang taon and they never failed to make me smile everyday.
Pumasok na sila sa silid namin at nag ayos na ako ng gamit para masimulan na ang klase namin.Biglang nag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot.
"Hello?"
"Yndi."
Napatigil ako sa ginagawa ko. Walanghiya! Hanggang ngayon ganito parin ang epekto niya sakin.
"Uh?"
He sighed.
"I'll go to your house later. Bibisitahin ko ang anak natin" he calmly said.
"Ha?"
He sighed again.
"Sunduin kita maya" he added.
"Wag" Nataranta ako kaya nahulog ang mga libro sa mesa ko. Nagsitinginan naman ang mga estudyante ko.
He sighed for the third time.
"Stop picking those books. I can see you butt cheeks from here" inis niyang sabi.
Ha? Nakapantalon naman ako.
"Ha?"
Na end ang tawag kaya sinimulan ko pulutin ulit ang mga libro.
"I told you stop picking those things. Nang aakit ka" nagulat ako ng may nagsalita sa pintuan.
"N-nate"
BINABASA MO ANG
EX Friends With Benefits
Romance"Siguraduhin mo lang hindi ka maiinlove sakin ha?" Sabi niya habang hinihimashimas ang pisngi ko. "Oo naman. Hinding hindi" Sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Tinignan muna niya ako ng matagal at bigla niyang siniil ng halik ang mga labi kong u...