Fourteen♥❤❤

2.5K 26 3
                                    

Lumipas ang ilang oras ay wala parin si Nate. Bat ba kasi ako umaasa na babalik siya dito. Naawa tuloy ako sa sarili ko.

Humiga nalang ako at pinatay ang ilaw at nagtaklob ng kumot. Maya maya ay dinalaw na ako ng antok at pumikit na ako para makatulog na ng tuluyan.

Nagising ako ng may maramdaman akong may yumakap sakin. Nagulat ako at sisigaw na sana ako ng takpan niya ang bibig ko.

"It's me" bulong niya. Mas lalo pa niya akong inilapit sakanya at mas hinigpitan ang yakap.

Nate naman! Pa fall ka eh! Sigaw ng isip ko. Nakakainis lang kasi bat parang ang sweet niya sakin. Mali to eh masyado pa naman akong marupok baka bibigay nako nito.

"Kumusta ang dinner niyo?" Tanong ko.

"Hmm. Okay lang naman. I talked to her parents and they seemed nice" Sagot niya sakin at ibinaon ang kanyang mukha sa leeg ko.

"Ah. Okay mabuti naman" sabi ko na lamang. Wala na akong maidadagdag eh.

Hindi na siya nagsalita kaya di ko na rin siya kinulit. Inaantok na din ako.

Kinaumagahan nagising ako na wala na si Nate sa tabi ko. As usual ganun naman talaga ano paba ang iniexpect ko?

Bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko si Kuya na nagluluto.

"Good morning" bati niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya at niyakap siya sa likod.

"Umuwi na si Nate. Di ka na niya ginising pagod ka daw eh" pang-aasar pa niya. Nag roll eyes nalang ako at tumawa siya.

"Gusto mo siya?" Tanong ni kuya.

"May girlfriend na siya" Sagot ko at umupo.

Lumungkot naman ang mukha ni kuya.

"Pero gusto mo siya" sabi niya. Di ko na sinagot pa at tsaka di naman yun tanong eh.

Gusto ko nga ba si Nate? Napaisip ako. Inihain na ni Kuya ang pagkain at agad ko naman itong sinunggaban. Gutom na ako eh. Pakialam niyo ba.

Agad akong lumabas sa bahay at nagsimula ng !aglakad papunta sa school. Gusto ko kasing mag exercise eh kahit nagalit si Kuya bat daw ayokong magpahatid sa kanya.

Naglalakad na ako sa hallway ng may nambatok sakin. Aray! Ang sakit nun t*ng ina naman !

"Hoy babae ! Diba sabi ko hintayin moko" naiiritang sabi ni Blesi. Hinimas ko naman ang batok ko tsaka tumingin sa kanya na nakataas ang kilay.

"Wala ka namang sinabing ganun" depensa ko.

Nagroll eyes siya. "Common sense naman Lexi"

Common sense! Sakalin ko nga to!

Habang naglalakad kami ay nadaanan namin sina Nate kasama parin ang tropa niya. Nag smile ako sa kanya at ganun din naman siya. Siniko ako ni Blesi at binulungan "ang landi ha"

Siniko ko naman siya. Kainis to! Di ba pweding maging friendly? Landi na pala ngayon ang simpleng ngiti lang.

Nakasalubong namin si Jessica. Nag wave siya sa amin at ngumiti. Ganun din ang ginawa namin.

Sorry Jess. Malungkot na sinabi ng isip ko.

Magkaiba ang subject namin ni Blesi kaya naghiwalay na kami. Ako naman ay papunta na sa room ko. Umupo ako sa likod kung saan may bakante.

May tumabi sakin. Tumingin ako kung sino at ang laki laki ng ngiti niya skin.

"Hello Alexis" masaya niyng bati sakin.

Ngumiti ako ng pilit. "Hello Jess"

"Pa upo ha? Wala na kasing bakanteng upuan eh" sabi niya na naka pout.

Ang cute naman ng babaeng to! Kaya siguro nahulog ang loob ni Nate dito.

Nalungkot naman ako bigla ng maalala si Nate. Naguguilty lang talaga ako sa mga pinaggagawa namin llo na at sobrang bait ng gf niya.

Tahimik lang kami pagkadating ng prof namin. Matalino din kasi si Jessica eh. Nakikinig lang kami ng mabuti sa prof namin.

Maya maya ay dinismiss na kami ng prof namin.

"Saan ka maglulunch Lexi?" Tanong nya.

Napaisip ako. Di ko kasi makakasama ngayon si Blesi eh may gagawin daw siya ngatong importante.

"Sama ka nalang samin" nakangiting sabi niya.

Aayaw sn o kaso pinilit talag niya ko. Makulit din pala to eh parang bata lang kaya pumayag na din ako.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon