Nagsimula na akong mag impake ng damit. Next week pa naman ako aalis pero gusto ko lang mag impake na feel ko eh.
Di kasi ako makatulog kaya naisipan kong mag impake nalang. Tinutupi ko ang mga damit na favorites ko ng may yumakap sa bewang ko. Napatili naman ako sa sobrang gulat.
"Nakakabingi ka naman eh" sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
Tinignan naman niya ang mga gamit ko. "Di ka na talaga mapipigilan sa pag alis?"
"Mapipigilan kung aaminin mong mahal moko na hindi lang sex ang gusto mo sakin" seryoso kong sabi.
Tumingin naman siya sakin at hindi nagsalita.
"Joke lang" at ngumiti ako sa kanya pero seryoso parin siyang nakatingin sakin.
"Good. Alam mo naman na di mangyayari yun diba?" Tanong niya.
Aray ang sakit ha. Tumango nalaman ako.
Di ko parin kasi alam kong mahal ko nga ba siya o dala lang ng kalibugan ang nararamdaman ko sa kanya.
Pumunta siya dahil gusto kong makipagsex sa kanya at natuloy naman iyon. Siguro last na namin to. Aalis na kasi ako.
"May nangyari na sa inyo ni Jess?" Tanong ko habang hinihimas himas niya ang hita ko. Katatapos lang niyang magparaos sa akin.
"Wala pa" tipid niyang sagot.
Ah. Kaya pala sakin niya nilalabas ang init ng ulo niya sa baba?
Inaantok na ako. Siya naman patuloy parin ang paghihimashimas sa hubad kong katawan.
"Kelan ka aalis? Pupuntahan kita sa airport" sabi niya.
"Para pigilan ako?" Hahaha joke" pero seryoso ako.
"Wag ka ngang mag joke ng ganyan. Di nakakatawa" mejo galit niyang sabi.
"Hindi ba talaga yun mangyayari?" Tanong ko.
Inalis niya ang kamay niya sa katawan ko at lumayo ng konti sakin.
"Masasaktan ka lang kung sasagutin ko yang tanong mo. Please Yndi wag kang umasa" mahina niyang sabi.
Sumikip ang dibdib ko. Ang rude naman niya sakin. Joke lang yun eh. Sineryoso naman niya.
Tumalikod na ako sa kanya. "E.lock mo nalang ang kwarto kapag aalis kana"
Agad naman siyang tumayo. Wow ha hindi man lang ba siya mag stay dito kahit konting minuto lang.
Narinig ko ang pag click ng pinto at pagsara nito.
Nakakainis ka Nate. Last na talaga to.
Nagulat ako ng humiga siya ulit sa tabi ko at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko habang niyayakap niya ang bewang ko.
"Nilock ko na. Matulog na tayo" sabi niya at hinalikan ang ulo ko.
Tumulo naman ang luha ko. Pafall ka Nathaniel Sebastian.
BINABASA MO ANG
EX Friends With Benefits
Romance"Siguraduhin mo lang hindi ka maiinlove sakin ha?" Sabi niya habang hinihimashimas ang pisngi ko. "Oo naman. Hinding hindi" Sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Tinignan muna niya ako ng matagal at bigla niyang siniil ng halik ang mga labi kong u...