Naninibago parin ako sa bago naming bahay. Maganda naman ito at simple lang. Nagkaroon din ako ng mga kaibigan at di nawala dun si Blesilda.
Kami lang dalawa ni mama ang nakatira dito. Si kuya kasi ay may fiancé na at ayaw niya itong iwan dahil baka daw pagpumunta siya rito ay aagawin si Sabrina ng iba. Paranoid lang.
Kasalukuyan akong kumakain ng cereals. Dalawang taon na din kaming nakatira dito. Di ko na ikweento ang mga nangyari dahil tamad nga ako.
Nawalan ako ng connection sa friends ko sa Pilipinas. Maging sa facebook ay hindi ako nakikipagchat. Palagi akong minimessage ni Nate pero di ko siya nirereplayan. Pagkatapos kasi ng aksidente ay nawalan ako ng gana sa lahat.
I was pregnant. Si Nate ang ama. Sino pa nga ba? Tuwang tuwa ako nun pero wala akong planong sabihin yun kay Nate nabalitaan ko kasing engage na sila ni Jessica.
Pero ang kasiyahang yun ay panandalian lang. Dalawang buwan na ang tiyan ko ng makunan ako. Nahulog kasi ako sa hagdan namin at dahil dun nawalan ako ng ganang sumaya.
Nalungkot si Mama nun. Excited pa naman siyang makakita ng apo. Sabi niya baka daw di pa talaga ngayon ang oras na maging ina ako.
Inaamin ko naman na ini-stalk ko si Nate sa facebook at instagram niya pero nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Puro litrato nila ni Jessica ang laman. Kaya minabuti ko nalang na wag ng magpatuloy sa pag stalk ko sa kanya.
Nagkaroon ako ng boyfriend dito. Actually, kapit bahay lang kami. Alam naman niya ang lahat sa akin pati sa amin ni Nate at sa miscarriage ko.
Isang taon din kaming mag on pero naghiwalay kami dahil na assign siya sa London. May company kasi sila eh. Pero friends pa naman kami ngayon.
Tinatawagan niya ako palagi at minsan naman ay nagkikita kami at may nangyayari samin. Minahal niya ako ng sobra. Ini-spoil niya ako sa kasweetan niya at minahal ko din naman siya ng totoo.
Nag ring ang telepono.
"Hello?"
"Blabs? Si kuya to. Sabrina and I are getting married."
Halos mabasag ang lahat ng salamin sa bahay dahil sa malaks kong tili.
"Really kuya? Waaah. Kelan ang kasal? Wait. Alam na ba ito ni mama?"
"Oo naman blabs. Actually matagal na niyang alam pero di niya sinabi sayo sabi kasi ni mama ako mismo ang magbalita sa iyo"
"Congrats kuya"
"Thanks. Pack your things. Uuwi kayo dito next week. Got to go sis. See you soon. Love you"
"Okay. See you! Love you too kuya"
Napangiti naman ako sa balita ni kuya. Ako kaya kailan din ako ikakasal? Natawa naman ako sa naisip ko.
Namiss ko din ang Pilipinas. Wala akong pakialam kung nandun si Nate. Wala naman akong dapat problemahin. I am nothing to him at ganun din siya sa akin.
Agad naman akong umakyat sa kwarto ko at tinignan ang mga damit na dapat kong susuotin at dadalhin.
BINABASA MO ANG
EX Friends With Benefits
Romance"Siguraduhin mo lang hindi ka maiinlove sakin ha?" Sabi niya habang hinihimashimas ang pisngi ko. "Oo naman. Hinding hindi" Sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Tinignan muna niya ako ng matagal at bigla niyang siniil ng halik ang mga labi kong u...