Twenty Seven♥❤❤

2.1K 42 0
                                    

Sorry sa matagal na update di ko kasi alam kong may nagugustuhan ba sa story nato 😔😔😔 Anyways, enjoy reading 🎉🎉🎉

Napasabunot na lamang ako sa buhok ko ng makarating sa kwarto ko. Naiinis ako sa sarili ko bat ba kasi bumigay ako agad. Putang inang hormones na to!

Nagtakip na lamang ako ng unan sa mukha at dun nagsisisigaw. Kainis! Baka buntisin na naman ako ng mokong na yun. Agad kong naitapon ang unan ng mag ring ng napakalakas ang cellphone ko. Panira ng moment ever.

"Hello?" Mahinahong sabi ko.
"Babe" Nang-aasar na sagot niya
Agad namang umusok ang ilong ko ng marinig ko ang boses niya.
"Put*ng ina mo" Sigaw ko sa kanya at binaba na ang tawag.

Ewan ko ba pero naiinis talaga ako sa kanya ngayon ng walang sapat na dahilan. Mood swings yata to.

Ang baho ko. Amoy ako lalaki at ang nakakainis pa ay amoy yun ni Nate.

Naligo nalamang ako. Pilit kong tinatanggal ang mga nangyari kanina sa amin ni Nate. Naiiyak ako na ewan.

Pagkatapos ko magbihis ay lumabas ako ng bahay at tinungo si kuya. Sumakay lang ako ng taxi wala kasi akong sariling sasakyan.

Nagdoorbell ako at lumabas si Ate Sabrina at niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Tumataba ka Lexi" tawa niyang sabi. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Ate naman eh! Eh di ikaw na ang sexy" tampo kong sabi.

Tumawa naman siya. "Galit yan oh. Hahaha bat ka naparito? Ikaw ha inuudlot mo kaligayahan namin ng kuya mo" at tumawa naman siya ng malakas.

"Di makapaghintay sa kasal?" Seryoso kong sabi sa kanya.

Binatokan naman niya ako. Ate Sabby talaga napaka sadista kaya under si kuya eh HAHAHA.

"Aray naman ate. Patuluyin mo na kasi ako" irita kong sabi.

"Hahaha. Kala ko kasi makikipagchikahan ka lang sakin eh" kinurot niya ang pisngi ko.

"Tsee. Di ikaw sadya ko nuh !" at pumasok na sa loob.

"Sus. Pero nung nasa America siya panay ang tawag sakin oh" pang aasar pa niya sakin.

Close kasi kami ni Ate Sabby. Tamad din yan katulad ko at kung topakin ako siya naman ang reyna ng mga may topak. Nagkakasundo kami niyan kahit saan except sa lihim na relasyon ko kay Nate nag aalala lang kasi siya na masaktan ako.

"Bat ka tulala? Tumutulo na laway mo" pang iinis pa niya sakin.

"ATE !" Irita kong sabi sa kanya.

Nang makarating kami sa loob ay agad kong nakita si Kuya. Agad ko naman niyakap siya. Nagulat pa nga siya eh.

"Bat ka naparito Blabs?" Ginulo niya ang buhok ko.

"Gutom yan" asar sakin ni Ate Sabby.

Tumawa naman silang dalawa at nag high five pa. Kainis naman tong dalawang to oh!

"Nate" seryoso kong sabi.

Nag iba naman ang itsura ni Ate Sabby.

"Baby naman. Balik ulit kayo sa dati? Sakitan ng feelings uli?" Tanong niya.

"Hindi naman Ate eh. Ano kasi... Kasi ano" nagdadalawang isip kong sabi.

"Nag ano pala kayo?" Tanong ni Kuya.

"We had sex" deretso kong sabi.

Natulala si Kuya sa sinabi ko at si Ate Sabby naman ay napa sapo sa noo niya.

"Baby naman! Di mo ba talaga maiwasan ang kamandag niya?" Tanong sakin ni ate.

"He's engaged with Jessica" seryosong sabi ni kuya.

Napayuko naman ako. Ayan Alexis ! Malandi ka kasi. Nakakahiya ka talaga.

"Make sure hindi ka mabubuntis" seryosong sabi ni kuya.

"At sana panghuli na to" dagdag pa ni Ate.

"Pinutok niya sa loob eh" hiyang hiya kong sabi sa kanila.

Nagtinginan silang dalawa at parang nag uusap ang kanilang mga mata.

"Pag ikaw nabuntis ulit. Papatayin talaga kita" banta ni Ate sakin.

"Blabs naman bakit ba nagpapauto ka parin sa lalaking yun? Eh mag aasawa na yun eh" seryosong sabi ni kuya.

"Di ko alam kung bakit pumapayag ako" mahina kong sabi.

"Simple. Mahal mo kasi" malungkot na sabi ni Ate Sabby.

Di ako nakasagot sa sinabi ni ate. Mahal ko pa ba talaga si Nate? O namiss ko lang talaga siya kaya nagawa ko yun. Pero di mo naman mamimiss ang isang tao kapag wala lang siya sayo diba?

"Umiwas kana sa kanya Alexis masasaktan ka lang. They're getting married soon" seryosong sabi ni kuya. Galit siya sakin Alexis na tawag sakin eh.

I'll stay away from him.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon