Ayoko pang bumangon. Nakakatamad ! Sakit pa ng ulo ko. Hindi naman ako lasing kagabi pero mas malala pa sa may hang over ang nararamdaman ko.
Tumunog cp ko. Ang ingay ! Panira to ng beauty rest ko.
Blesilda Calling...
Bahala ka. Ayoko pang bumangon. Nagtakip nalang ako ng unan sa mukha. Patuloy parin sa pag ring ang cp ko. Putek naman Blesilda !
"ANO ?? TANG INA NAMAN BLESILDA ! NATUTULOG PA YUNG TAO EH !" Sigaw ko sa kanya.
"Sweetie , si mama to" Great! Ang ganda ng umaga ko.
"Ma?? Aish SORRY PO MA. Kala ko po si Blesi eh" paliwanag ko.
"Nag away ba kayo? Nga pala , sa susunod pa na buwan ako uuwi. Yung allowance mo nasa bedside table mo. Si kuya mo na bahala sa gastusing bahay. Tawag ka kung kulang pera mo ha?" Sabi ni mama.
"Bat ang tagal ma?" Naka pout kpng sabi.
"Sa kompanya sweetie. Aasikasuhin ko" wika ni mama.
Kainis naman ! Ang tagal eh.
"Sige sweetie. Ingat kayo jan palagi ha? I love you. Mabubusy na si mama" sweet na sabi ni mama.
"Sige po ma. Ingat ka din po. I love you" sabi ko.
Bumangon na ako at bumaba. Mabuti na lang at may nakahandang pagkain sa mesa. Agad ko naman itong inubos. Wala si kuya. May pasok yun. Malayo pa naman ang university na pinapasukan. 1 hour din ang byahe papunta dun.
Iniligpit ko na ang pinagkainan ko at bumalik ulit sa kwarto.
Pasukan na naman bukas. Nakakainis lang. Pero ok nadin yun wala din naman akong ginagawa sa bahay. Tataba lang ako nito.
Blesilda Calling...
Isa pa to. May kasalanan pa to sakin.
"Ano?" Wala kong ganang sagot.
"Anong ano? Ano feeling mo kagabi sa kiss niyo ni ano" Tuwang tuwa niyang sabi.
"Wala" tipid kong sagot. Actually nagulat nga ako ng makita siya eh. Hindi ko na kasi siya nakikita. Malaki kasi school namin kaya maliit lang ang chance na mag krus ang landas namin. Di ko naman akalain na nandun siya kagabi. Di naman kami close nun kaya wala akong impormasyon sa kanya.
"Magpasalamat ka sakin" Sabi niya.
Kung tadyakan ko kaya siya ngayon. Kainis ! Hindi ko na nga siya naiisip eh. Pinapaalala pa ni Blesi sakin. Salamat sa kanyang katarantadohang ginawa kagabi.
"Salamat ha" sarcastic kong sabi. Tumawa naman siya. Kainis talaga to.
"Magkakaroon na talaga kayo ng closure ni papa Nate mo" Sabi niya.
"Anong closure? Hindi naman naging kami." Depensa ko.
"Lex , alam ko naman story niyo eh. Bat deny ka ng deny jan" Sabi niya.
"Bahala ka" Pinatay ko agad ang tawag. Ayoko kasi yung pag usapan. Past na nga. Tsaka di naman talaga naging kami eh. Di nga kami magkaibigan.
Humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata. Hay, Nathaniel Sebastian Vergara bat ka ba sumusulpot pa sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
EX Friends With Benefits
Romance"Siguraduhin mo lang hindi ka maiinlove sakin ha?" Sabi niya habang hinihimashimas ang pisngi ko. "Oo naman. Hinding hindi" Sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Tinignan muna niya ako ng matagal at bigla niyang siniil ng halik ang mga labi kong u...