Narinig ko ang pagtunog ng doorbell kaya pinuntahan ko ito kaagad.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang galit na itsura ni Jessica.
"Malandi!" sigaw niya at dinapuan ako ng isang napakalakas na sampal.
Halos mabingi ako sa lakas. Di ako agad nakapag salita.
"How dare you Alexis! Akala ko mabait ka! Akala ko isa kang santa! Punyeta ka!" malakas na sigaw ni Jessica at akmang susugurin niya ako.
"Jessica!" sigaw ni Nate at pinigilan siya sa pag sugod sa akin.
Hindi ako makaisip ng tama. Wala ako sa pag iisip ngayon. Nakatulala lang ako doon at walang ekspresyong tinignan si Jessica.
"Hayop kayo!" Iyak niya.
Habang ako ay walang magawa kundi tumunganga lang.
"Enough Jess!" sigaw ni Nate.
Tumingin ako sa paligid. Mabuti naman at wala si Mama at Manang Sonya.
"Enough?? Mga wala kayong hiya! Ang bababoy niyo!" sigaw ni Jessica habang patuloy na dumadaloy ang luha niya.
Imbis na masaktan at umiyak ay nagalit ako.
"Baboy? Punyeta ka din Jessica! Oo inaamin ko mali ako pero sinira ko ba relasyon niyo? Punyeta! Umalis ako para walang gulo! Sadyang ayaw lang talaga ako layuan ng fiancé mo!" sigaw ko.
"Ang bababoy niyo! Mga walang hiya! Mang aagaw ka!" sigaw niya.
"Putang ina mo! Hindi ko inagaw yang punyeta mong fiancé! Siya itong kusang lumapit sakin!" Sigaw ko sa sobrang pagkainis.
Tinignan ni Jessica si Nate at pinaghahampas.
"Totoo ba??? N-nate! Bakit?" Mahinang daing ni Jessica.
"Oo" yumuko si Nate.
Tumamlay ang mga mata ni Jessica at tinignan si Nate.
"Iiwan mo ako?" takot na tanong niya.
Hindi muna sumagot si Nate.
"No. Never" seryoso niyang sabi dahilan para pumatak na ang mga luha ko.
"Umalis na kayo!" Buong pwersa kong sigaw dahilan para sumakit ng sobra ang tiyan ko.
Napaupo ako sa sakit at tiniis ang kirot na nararamdaman ko.
"Yndi!" sigaw ni Nate.
Tinignan ko siya at lumabo ang mga paningin ko.
Tuluyan ng nanghina ang katawan ko.
"Leave"
Sabi ko bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
EX Friends With Benefits
Romance"Siguraduhin mo lang hindi ka maiinlove sakin ha?" Sabi niya habang hinihimashimas ang pisngi ko. "Oo naman. Hinding hindi" Sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Tinignan muna niya ako ng matagal at bigla niyang siniil ng halik ang mga labi kong u...