Six♥❤

3.1K 37 0
                                    

Kinaumagahan nagising nalang ako ng maaga. Ewan ko kung anong sumapi sakin at himala na maaga akong gumising.

Sinundo ako ni Blesi. Pasensya naman wala akong sasakyan ginamit kasi ni kuya. Tahimik lang kami. Isang himala ulit. Di na namin pinansin ang katahimikan.

Pumasok na ako sa room namin. Nagsimula na agad ang klase.

"Alexis Yndira Sanchez?" Tawag ng prof namin.

"Present po sir" Sabay taas pa ng kamay. Ilang pangalan na din ang natawag.

"Nathaniel Sebastian Vergara?" Ay shit. Nandito siya?

"Sir" tugon niya. Tinignan ko siya. Nasa bandang front siya nakaupo habang ako naman nandito sa 2nd to the last na upuan.
Gwapo pa rin siya.

Lumingon siya. Nakita niya ako. Tinignan lang niya ako ng naka poker face.

Nagsimula ng mag lecture si Sir. Nag vibrate ang cp ko.

From 09******
Nandito ka pala.

Ay wala. Fake lang ako.

To 09********
Oo. Hindi ba halata?

Kainis naman hindi tuloy ako makapag concentrate. Lalo na hindi pa siya nag rereply. Wala talaga siyang plano mag reply dahil nakita kong ibinulsa na niya ang cp niya.

Nagpunta ako agad sa canteen. Wala si Blesi umuwi na. Kaya mag isa nalang akong kumakain dito. Wala namang nagtatangkang tumabi sakin. Nakita ko si Nate punta malapit sa table ko. Hanggang sa umupo siya sa table na katapat ko.

Asa namang sasabay siya sakin. Tumabi siya kay Jenna. Girlfriend niya. Actually hindi naman ako nasasaktan eh. Kumain nalang ako ng kumain.

Natapos na ang klase. Naglalakad ako sa hallway mag isa at naka yuko. Nagtetext kasi ako kay kuya. Halos sumigaw ako ng may humila sakin papunta sa stock room.

"Ano ba! Kainis ka naman Nate eh !" Sabi ko.

Nilock lang niya ang pinto.Hindi siya nagsasalita.

"Madali lang to" Sabi niya. At lumapit na sakin.

Anong madali lang? Patayin ko siya eh. Hinalikan niya ako agad. Hindi ko na lang siya tinulak. Gusto ko din naman eh. Miss ko to.

"Ako na mauuna" Sabi ko. Habang pinupunasan ang labi ko. Laway men.

"Sabay nalang tayo" Sabi niya. Nag roll eyes naman ako. Bigla na lang akong lumabas. Bahala siya. Ayokong makita kami na magkasama. Hindi naman sa hindi ko gusto ayoko lang kasi magkaroon ng issue.

From 09*******"
Punta ako sa bahay mo maya. Dating oras.

Di ko nalang pinansin ang text niya at nagmamadaling umuwi ng bahay. Kainis di ko tuloy na isend yung text ko kay kuya kanina. Naglakad na lang ako pauwi. Malapit lang naman ang bahay namin.

Nilapagpasan ako ng mga sasakyan. Wala akong paki. Maganda naman ang daan. Maraming puno sa gilid at ang linis ng kalsada. May mga bahay din sa gilid.

Nakaabot ako sa gate namin at tuluyan ng pumasok. Nakakatamad talaga. Agad akong humiga sa kama ko.

Nagvibrate ang cp ko. Tawag siguro to dahil patuloy lang ang pag vibrate.

09******* Calling..

"Hello?" Bulong ko.
"Yndi. Punta ako jan. Kaw lang ba?"
"Ha? Eh uhm. Oo"
"Sige bye"

Ano yun?? Tatawag lang siya ng ganun after ilang buwan na walang communication. Kainis ha !

Maya maya nagbihis ako ng biglang bumukas ang pinto ng terrrace sa kwarto.

"Sorry" Hingal niyang sabi.

Tinakpan ko ang katawan ko ng unan "Tumalikod ka nga". Irita kong sabi.

Ginawa naman niya at pinatuloy ko ang pagbibihis.

"Ano kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Humig lang siya sa kama ko. At tinignan ako sabay pikit ng kanyang mata.

"I miss your room" Sabi niya. Nakapikit parin.

Room ko lang pala ang namiss. Kainis naman. Umupo ako sa gilid ng kama. Agad naman siyang bumangon at humiga sa hita ko.

"Ah okay" Sabi ko. Inimulat naman niya ang kanyang mga mata at tumingin sakin.

"I miss you too" Seryoso niyang sabi.

"Matutulog ka lang ba dito?" Tanong ko sa kanya. Binalewala ko ang sinabi niya kanina.

Umupo naman siya sa tabi ko. Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti "Nope"

"Manyak. Umalis ka nga dito" pagtataboy ko sa kanya.

Tumawa naman siya "Manyak? Hindi naman kita inaano jan ah"

Natawa na din ako. Hinalikan naman niya ako agad. Tumugon naman ako sa halik niya. Shit talaga ang sarap niyang humalik.

Pinahiga niya ako sa kama. Patuloy lang kami sa paghahalikan. Ginagawa naman namin to noon eh. Pero wala pang kababalaghan ang nangyari samin. Alam niyo na yun.

He cupped my breast. Minasahe niya ito. Napaungol tuloy ako dun. Minamasahe lang niya ang mga ito hanggang sa tumigil siya.

"Don't do that" Sabi niya.

Anong don't do that ! Kainis to. Nambitin pa.

"Don't moan like that. Baka di ko ma kontrol sarili ko" Inis niyang sabi.

Sabay labas ng kwarto ko. So anu yun? Yun nalang yun? Pupunta lang siya dito kung gusto niyang makipagmake out? Kainis naman.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon