Papansin: Kanang mangutana lang ko ha?? Kinsay bisaya diri? HAHAHA.
-------
Naiilang ako sa mga titig niya habang kumakain kami. Yung titig na tagos hanggang kaluluwa.Patuloy lang ako sa pagkain pero di ko maiwasang sumulyap sa kanya.
"Lexis! Nandito po si Maam!" Masiglang sabi ni Manang Sonya.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Binitawan ko ang kubyertos at tumayo na.
"Sweetie" malambing na sabi ni Mama habang papalapit sa akin.
"Ma, bat po di niyo sinabi na pupunta kayo dito?" tanong ko at yumakap saglit sa kanya.
Nag iba ang expresyon ng mukha ni Mama ng makita si Nate.
"Tita" bati ni Nate at tumayo na.
"Bat ka nandito? Di ka ba hinahanap ng fiancé mo?" matabang na sabi ni Mama.
Simula nung nalaman ni Mama na si Nate ang ama ng dinadala ko ay nag iba ang tingin niya dito. Dati ay gusto siya ni Mama pero ngayon ay halos kabaliktaran na.
"Binibisita ko po si Yndi at ang anak namin" Mahinahong sabi ni Nate.
Tinaasan siya ng kilay ni Mama pero di niya ito pinansin.
"May balak ka bang sabihin ito sa Fiancé at mga magulang mo?" Mejo galit na tanong ni Mama.
Di nakaimik si Nate at napayuko ako sa sinabi ni Mama. Ayokong pag usapan ang mga bagay na yan. Ayokong tanggapin ang katotohanan.
"Sa tamang panahon po" Seryoso at mahinang sabi ni Nate.
Di na ng salita si Mama dahil alam niyang kung magpapatuloy siya baka may masabi pa siyang hindi maganda.
"I'll go upstairs sweetie. Di ko gusto ang atmosphere dito" Matabang niyang sabi at umakyat na sa taas.
"She hates me" pabulong na sabi ni Nate.
Di ko naman sisisihin kung bakit ganun si Mama kay Nate. Galit si Mama sa kanya at di ko alam kung kelan mawawala ang galit na iyon.
"Ikaw Yndi? Do you hate me?" seryo niyang tanong.
Di ako agad nakasagot sa tanong niya. Oo inaamin kung may galit ako sa kanya pero mahal ko din siya. Mas matimbang yung tinatago kong pagmamahal sa kanya.
Yumuko ako at di nagsasalita.
"I can't promise you a happy life with me but i'll do everything to make you and our little one happy" Seryoso niyang sabi.
Tumingin ako sa kanya. Sa kanyang mga mata.
"I will love you and our child kahit alam kong bawal kahit alam kong kamumuhian ako ng iba" dugtong niya habang di parin tinatanggal ang tingin niya sa akin.
"I hate you" puno ng hinanakit na sinabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
EX Friends With Benefits
Romance"Siguraduhin mo lang hindi ka maiinlove sakin ha?" Sabi niya habang hinihimashimas ang pisngi ko. "Oo naman. Hinding hindi" Sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Tinignan muna niya ako ng matagal at bigla niyang siniil ng halik ang mga labi kong u...