He's getting married. My big bro is getting married.🎉🎉🎉🎉
Kasalukuyan akong inaayusan ng make up artist ngayon. Si mama naman ay di mapigilang mapaiyak habang nakatingin sa mga damit na isusuot namin. Ang OA mo ma.
"Ikakasal na ang stephy ko" masayang sabi ni mama habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Ma wag kang OA natural lang naman na ikasal si Kuya eh ang tanda na kaya niya" sabi ko.
"And i guess ikaw na ang sunod ma'am?" Sambit naman ng babaeng nag mamake-up sa akin.
Napatawa naman ako ng mahina sa tanong niya. Kailan kaya? Tumawa naman ng konti si Mama.
"Di pa yan ikakasal single pa kasi yan" kantyaw sakin ni mama. Sige lang ma ipamukha mo pa na walang nagtangkang pumorma sakin.
Bigla naman akong lumungkot ng maalala ko si Nate. He'll be here too. Paano ko siya haharapin?
Pagkatapos ng pag aayos at paghahanda ay tinawag na ako ni Mama. Magsisimula na daw ang kasal. Tinignan ko ng mabuti ang itsura ko. I really love this dress.
Nagsimula na ang kasal at nagsimula na din kaming mag lakad sa aisle. So ganito pala ang feeling pag ikaw ang ikakasal? Ganito pala ang feeling na naglalakad ka papunta sa minamahal mo. Char lang ha.
Halos tumigil ang oras ng makita ko si Nate na nakatingin sakin. He was wearing this unrecognized expression. Umiwas naman ako sa tingin niya lalo na ng makita ko si Jessica sa tapat niya.
Great.
Di mapigilan ni mama na mapaiyak lalo na nung isinuot na nina Ate Sabby at Kuya ang singsing. Ano naman ang nakakaiyak dun? Dahil ba mahal ang mga singsing na yun? Hehe. Tawa lang Alexis kahit nasasaktan kana.
At nung e.pronounce na ng pari na mag asawa na sila ay nahagilap ko si Nate na seryosong nakatingin sa akin. Gusto ko din makasal katulad neto sayo Nate kaso hindi talaga sang-ayon ang tadhana.
Nakaupo lang ako sa table at tinitignan sila Kuya at Ate na ngayon ay nagsusubuan ng cake. Masaya ako sa kanila dahil walang problema sa pagmamahalan nila except sa topak ni Ate Sabby.
I dont know why pero para nabobored ako sa kasal. Ako lang yata ang hindi masaya. Kaya umalis muna ako saglit sa venue at lumabas na. Agad tumambad sa akin ang magagandang alon na tila sumasayaw sa liwanag ng buwan.
Yeah. Malapit sa dagat ang naging venue ng reception nila kuya sa isang beach party daw kasi sila nagkita ni Ate Sabby. Ang drama nu?
Patuloy ko paring pinagmamasdan ang alon.
"Ano ba hon.. nakakakiliti ka ha" nakarinig ako ng hagikhik papalapit sakin.
"My wife is so ticklish" Tss. Ang flirt naman.
Di ko na lamang pinansin ang dalawang hubog ng tao na papalapit sa akin.
"Lexi?" Napalingon naman ako sa tumawag. Anak ng! Kung minamalas ka nga naman.
"Hi Jess" nakangiti kong bati sa kanya. Napangiti naman siya sakin pero ang kasama niya ay na statwa yata.
Utang na loob! Umalis kayo dito! Sinisira niyo moment ko.
"Why are you he---" hindi na natapos si Jessica ng biglang sumingit si Nate.
"Let's go, hon. Alex needs some privacy" at hinila naman niya si Jess na walang magawa kundi ang magpatangay sa kanya.
Alex? Why did he called me that? Yndi lang kasi ang tinatawag niya sa akin. So I think were back to strangers??
Hindi ko na lamang pinansin ang naganap kanina at patuloy parin ang pagmasid sa mga alon.
Nag beep ang cellphone ko. Oh yes readers! Hindi talaga ako umaalis na hindi ko dala phone ko.
From +63912*******
Heart like yours.Napakunot naman ako sa natanggap kong msg. Heart like yours??
Matagal kong tinitigan ang screen at nainis naman ako ng magets ko ang ibig sabihin nun.
F*ck that song !
BINABASA MO ANG
EX Friends With Benefits
Romance"Siguraduhin mo lang hindi ka maiinlove sakin ha?" Sabi niya habang hinihimashimas ang pisngi ko. "Oo naman. Hinding hindi" Sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Tinignan muna niya ako ng matagal at bigla niyang siniil ng halik ang mga labi kong u...