Kinaumagahan late akong pumasok sa school. Tinatamad kasi ako at wala rin ngayon si Blesi. Ewan ko sa babaeng yun kung saan siya nagpupupunta wala man lang sinabi basta daw aalis siya.
Naglalakad ako patungo sa classroom ng madaanan ko ang grupo ni Nate. Palagi nalang to eh.
Tinignan niya ako at ngumiti sakin pero agad naman akong nag iwas ng tingin. Ayoko na eh. Baka kasi pag nagpatuloy pa ito ako lang ang masasaktan. Ganun kasi ang nangyayari sa ibang storya.
Umupo na ako sa vacant chair sa hulihan.
Lord. Sana naman wag dito umupo si Jessica o Nate man lang.
Tinopak ako ngayon kaya sinuot ko ang eye glasses na parang yung sa mga nerd na sinusuot.
Trip ko eh. Baka maging dahilan to para umiwas na din sakin si Nate. Mas pabor sakin yun.
"What are you wearing?" Tiningala ko naman ang nagtanong.
Holy S ! Nanadya ba talaga ang tadhana?
"Uhm. Glasses?" Sagot ko naman. Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako.
"Why?" Tanong niya. Nag shrug nalang ako at di na kumibo.
Nainis ako sa katahimikan namin. Di man lang niya ako kinakausap.
Dinismiss na kami na prof namin. Agad naman akong kumaripas ng takbo papunta sa pinto na parang tanga. Ayoko lang talaga mapalapit kay Nate.
Halos magpagulong gulong sa tawa si Blesi ng makita ako. Mukha ba akong clown ngayon?
"Ano ba yang suot mo babae?" Matawatawa niyng tanong.
"Para mag mukhang nerd. Diba kadalasan big time ang nabibingwit ng mga nerd?" Rason ko pa.
"Saan mo naman yan nalaman?" Tanong niya.
"Sa mga stories" sabi ko.
Tumawa naman siya. "Sorry girl ha? Pero reality kasi to eh. Hahaha"
Siningkitan ko siya ng mata. Nakakabwesit tong babae na to.
Sabay kami ni Blesi na pumunta sa benches sa ilalim ng mga puno.
"Pupunta ako ng America" sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko. "Kala ko ba next year pa?"
"Ngayon yun oy! Tsaka di naman ako palaging nababanggit sa storyang ito eh" sabi niya at tumawa.
"Ha?" Anong pinagsasasabi ng babaeng to.
"Wala" ngumiti naman siya sakin.
"Di kita mamimiss" seryoso kong sabi.
"Hahaha. Tanga! Eh pupunta ka din naman dun eh next week" tawa siya ng tawa.
Tama. Pinapupunta kasi ako ni Mama dun nalang daw ako mag aaral at si kuya naman dito nalang niya tatapusin ang pag-aaral niya. Ok lang din sakin wala naman akong maiiwan dito.
Wala nga ba?.
"Tumataba ka yata" sabi niya habang tinitignan ako.
"Madami kasing bigas samin eh" sagot ko.
Binatukan naman niya ako at nagpaalam na may klase pa daw siya eh.
"Iniiwasan mo ba ako?" Nagulat naman ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Ha? Bakit naman? Hindi ah" Seryoso kong sagot.
Umupo naman siya sa gilid ko.
"You're leaving?" Tanong niya.
So nakikinig lang pala siya samin?
"Chismoso" bulong ko.
"Kelan?" Tanong niya.
"Next week" sagot ko sa kanya at tinignan siya.
Lumungkot naman ang mukha niya. "Sayang naman"
Kumunot ang noo ko. Anong sayang?
"Anniversary kasi namin ni Jessica next week eh. Magpapatulong sana ako" seryoso niyang sabi.
P*tang ina mo Nate! Kala ko pa naman sasabihin niya na mamimiss niya ako or whatsoever.
"Sex tayo maya" bigla kong nasabi. Nakakadiri ka naman Alexis! Ikaw pa talaga ang nagyaya?
Tinignan niya ako ng seryoso. "I'll try. May date kasi kami mamaya"
Nakakahiya ka Alexis Yndira! Tinurn down ka ng lalaki.
Tumango nalang ako at tumayo na.
Tinawag niya ako pero wala ako sa katinuan para makinig sa kanya o lingunin man lang siya. Ano to? Walk out after the rejection?
BINABASA MO ANG
EX Friends With Benefits
Romance"Siguraduhin mo lang hindi ka maiinlove sakin ha?" Sabi niya habang hinihimashimas ang pisngi ko. "Oo naman. Hinding hindi" Sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Tinignan muna niya ako ng matagal at bigla niyang siniil ng halik ang mga labi kong u...