Naging tahimik ang byahe. Walang nagsasalita sa amin at wala din akong balak na makipag-usap sa kanya dahil di ko din alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Next week mag le-leave ako sa trabaho" bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.
"Oh-okay" kaswal kong sagot. Wala naman akong planong tanungin siya at baka masaktan lang ako sa malalaman ko.
Napatingin na lamang ako sa bintana at hinayaang maglakbay ang aking isip. It's been two years nang masira ko ang engagement nila ni Jessica. She almost killed herself matapos niyang malaman na buntis ako at si Nate ang ama. Both our families were furious about sa issue na 'yon dahilan para umalis ulit ako para matakasan ang gulo dahil masama iyon sa lagay ko.
I heard that Jessica went abroad too and sinundan pa siya ni Nate. He really loves her kaya wala akong ginawa at hinintay na lang na ipanganak si Kernel. Months passed at saka lang pumunta si Nate sa amin nang makabalik ako ulit sa bahay namin.
After that palagi na niya kaming binibisita. May galit parin si Mama kay Nate dahil sa ginawa niya pero infact dapat nga mas lalong magalit si Mama sa akin dahil ako naman talaga nag dahilan ng gulo.
"Yndi" Malambing na tawag sa akin ni Nate dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko.
Napatingin ako sa kanya. He looked at me seriously at sinabing nasa tapat na kami ng bahay.
Agad akong lumabas ng kotse at pumasok na sa loob ng bahay. Nadatnan ko si Ate Sabbie na nilalaro si Kernel.
"Baby Kerneyy nandito na si Mommy---at Daddy" malabing na sabi ni Ate Sabbie at lumapit na sa akin.
"Naku ha napagod ako kakalaro sa batang yan. Napakalikot" tawang sabi ni Ate Sabrina.
Napatingin naman siya sa likuran ko at alam kong si Nate ang tinitingnan niya.
"Hello Sabrina" seryosong sabi ni Nate sa kanya.
"Anong hello? Kunin mo dali si Kernel" tawa ni Ate at ibinigay si Kernel.
"Hey little one, Daddy's here" malabing niyang sabi sa naglalaway naming anak.
Agad kong kinuha ang hankie ko at pinunasan ang labi ni Kernel na puno ng laway.
"Can you wipe mine too?" Tanong ni Nate. Kumunot naman ang noo ko at tinignan ang labi niya. Siguro ay nalawayan din siya ni Kernel.
Agad kong itinaas ang panyo pero bago pa dumampi ito sa labi niya ay naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
Pagkatapos ng ilang segundong magkadikit ang labi namin ay itinuon na niya ang atensyon kay Kernel.
"Sarap" seryoso niyang sabi habang nakatingin parin kay Kernel.
BINABASA MO ANG
EX Friends With Benefits
Romance"Siguraduhin mo lang hindi ka maiinlove sakin ha?" Sabi niya habang hinihimashimas ang pisngi ko. "Oo naman. Hinding hindi" Sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Tinignan muna niya ako ng matagal at bigla niyang siniil ng halik ang mga labi kong u...