[KR's POV]
Nauna ng naglakad sila Tanda at Ina na magka-link pa yung arms samantalang ako nandito sa likod nila. Hhhmmm~ The ambiance is good, the aroma of the foods being prepared is really mouth water kaya gutom na ako! Kelan ba kami kakain susmiyo =___= Umakyat sila Tanda sa 2nd floor ng dining area. Napalingon samin yung isang couple na naka-dress at suit din. Halata na rin ang pagkaedad nila gawa ng wrinkles. Siguro eto yung nga im-meet namin sila lang yung lumingo samin eh. Di ako nagkamali kasi dun pumunta sila Tanda
"Sorry for being late Mr and Mrs Tuan" panimula ni Tanda. Naks ang pormal!
"No problem. Have a seat" sabi ni Mr. Tuan. Unang impression ko sa kanila ay masungit. Di kasi ngumingiti tapos ang lalim pa ng boses ni Mr. Tuan. Na head to toe pa ako ni Mrs. Tuan TT.TT Umupo ako sa gitna nila Tanda at Ina. Sobrang tahimik nila kaya tumingin na lang ako sa mga daliri ko at pinaglaruan. AWKWARD. Di pa dadating yung pagkain. Tumingala ako pero nahagip ko yung mata ni Mr. Tuan kaya iwas agad ako ng tingin. IINNNAAAA TT^TT
"HAHAHAHAHAHA!!!" tawa nilang lahat kaya naguluhan ako. Hala! Nabaliw na sila! Tatawag na ba ako ng 911? Kaso sa Davao pa sila baka di na umabot dito. Jolibee na lang! Para instant delivery! Kinapa ko naman yung cellphone pero nakalimutan ko pala sa kotse. OMAYGD!
"HAHAHA Nakakatawa naman yung reaksyon ng anak nyo Vher!" sabi ni Mr. Tuan kay Tanda. Uy! Sa isip at tropa ka lang tinatawag sila Mom at Dad na Tanda at Ina ah kaya wag kayong maingay. Trip ko yun eh XD
"Oo nga eh! Relax lang anak baka mimiya atakihin ka sa puso HAHAHA!" sabi ni Tanda sakin at pinat yung balikat ko. Kung pwede lang magkaroon ng question mark sa mata siguro ganon na mata ko
"LONG TIME NO SEE MGA BALIIIWWW!!!" sabi nilang apat at naghug. Tumayo pa sila para makapag-hug silang apat samantalang ako eto nakaupo at wala sa sarili. Okay anong nangyayari? Umupo na ulit sila.
"May pa Mr and Mrs Tuan ka ng nalalaman ngayon Vher ha! Benta yun HAHAHA!" Mrs. Tuan
"Kayo nga staight na straight yung mga mukha tinakot nyo tuloy si Keara!" Ina
"Sorry naman!" Mrs. Tuan
"Naka-order na ba kayo?" Tanda
"Oo. Baka malapit ng dumating. Kahit kelan talaga napaka-patay gutom mo pa rin Vher!" Mr. Tuan
"Di ka na nasanay dyan sa lalaking yan!" Ina. Nagtuloy tuloy lang yung asaran at tawanan nila ng wala akong naintindihan. Okay what just happened? Reunion ba to? Bakit di ako nainform? Pero infairness ang ingay nila =___= Dumating na yung pagkain kumain na kami. Tahimik lang ako dito habang nagk-kwentuhan sila. Hmm~ Sarap ng pagkain! Mainggit kayo! Nom nom nom! Dahil nasa isang akong 5star resto ay syempre act elegant ako. Kesyo dahan dahan lang kumain, hindi ako dumidighay. PAK GANERN!
"Maiba tayo. Ayos na nga pala yung mga papeles nila Keara" napatingala naman ako nung narinig ko yung pangalan ko
"Naka-pirma na sya?" sabi ni Tanda. Tumango naman si Mr. Tuan at may nilabas na leather folder. Inakbayan ako ni Ina. Okay ano to? Sure akong tungkol to sakin kasi narinig ko pangalan ko
"Pirma na lang ni Keara kulang" sabi naman ni Mrs. Tuan sabay tingin sakin. Tumingin din sakin si Tanda at Ina. ANO TO?! Inabot sakin ni Mr. Tuan yung folder at ballpen. Ako ba magbabayad ng lahat ng kinain? Aba hindi maari yun wala akong pera!
"Pirmahan mo dito" sabi ni Mr. Tuan at may tinurong linya na may pangalan ko. Dahil natense ako at hinaluan ng katamaran ay hindi ko na yun binasa at pumirma na. Agad naman yun kinuha ni Tanda at mukhang nagulat sa ginawa ko