Chapter 24

1.1K 28 0
                                    

[KR's POV]

Alas-otso pa lang pero eto ako ngayon ayos na ayos. Handa ng gumala. Yung apat na unggoy naliligo pa lang, si Migo nga tulog pa eh

"YA GUMISING KA NA!" sabi ko at sinipa siya sa kama

Dito sila natulog sa room ko. Nakisiksik pa sa kama =___=

"10 minutes..." sabi ni Migo at binalot yung sarili niya sa comforter

"Ayos ka rin eh no. 5 minutes lang ginawa mong 10 minutes. Bangon na sige maiiwan ka ng bus" sumilip siya sa comforter at kinunotan ako ng noo

"Feel na feel mo na field trip to eh no?" sabi niya at nagtago ulit dun sa comforter

"Bahala ka nga jan sa buhay mo kung ayaw mong sumama edi wag! Akin na lang yung chips mo ah? HAHAHA!" naglakad na ako palabas ng bedroom

"WALA NAMANG GANYANAN!" narinig kong sabi niya bago ko tuluyang masara yung pintuan

Naka-ayos na rin si Mawe, si Kaye naman topless pero naka-pantalon na siya with wet hair. Siguro si Joey na yung nasa restroom

"Ayos na kaya yung Got7?" tumabi ako kay Mawe

"Ang aga pa kaya. Siguro pagising pa lang yung mga yun. Masyado ka kasing excited" sabi niya at pinikit yung noo ko

"Aray ko naman! Sa excited nga kasi ako eh" sabi ko at hinimas himas yung noo ko. Nginitian niya lang ako at umiling

Tumayo ako at naghanda ng breakfast. Tinulungan din ako ni Mawe. Simpleng sandwhich at kape lang ginawa namin. Sigurado ako mimiya sa biyahe kakain ng kakain yang mga yan

"Uy pagkain" sabay kaming napatingin ni Mawe kay Migo na pumasok sa kitchen

"Talagang ayaw mong iwanan ang kama ano?" sabi ko habang hinahain yung pagkain na ginawa namin ni Mawe

Nakabalot pa rin siya sa comforter habang may unan sa ulo. Jusko po!

"Breakfast in bed nga kasi" sabi niya at kumuha ng isang sandwhich. Napailing na lang ako at naglagay ng coffee sa mug

"Kain na kayo" sabi kila Joey at Kaye na kakapasok lang sa kitchen. Kumuha din sila ng sandwhich at kape

Time check [8:23am]

"Maligo ka na Migo mage-8:30 na oh. Iiwan ka talaga namin" sabi ko kay Migo

"Ganyan naman kayo eh. Lagi niyo akong iniiwan kaya nasasanay na ako" automatic na nakatanggap siya ng batok award galing saming apat

"Ayos na kami dito tapos humuhugot ka pa" Mawe

"Maligo ka na kasi marming chicks dun" Kaye

"Baka gusto mo ako pa magpaligo sayo? Di mo naman agad sinabi edi sana hindi pa ako naligo" sabi ni Joey at umakbay kay Migo. Agad na napangiwi ako sa pinaggagawa nila

"Eeeew~ Maligo ka na ng Migo kinikilabutan ako sa mga pinaggagawa ni Joey eh" pagkasabi ko nun ay tumayo na si Migo

"Yes ma'am!" sumaludo pa siya sakin bago dumiretso sa banyo. Naglagay ulit ako ng kape sa isang pang mug with secret ingridient

"Oh Joey kape para matauhan ka naman" tinawanan niya lang ako at kinuha yung kape

*Ding dong~*

"KR may nag-doorbell" sabi sakin ni Mawe

"Oh tapos?" sagot ko

"Edi pagbuksan mo"

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon