[KR's POV]
Tulala lang ako habang hinihintay ang doctor na lumabas sa emergency room. Nagtamo ng first degree burn yung binti ko at patuloy pa ring pinago-obserbahan
Nandito na rin ang lahat ng members, si Manager at ilang staff
"Yung mga videos?! Yung importanteng files?! ASAN?!" galit na sigaw ng director sa mga staff
"Nasama po sa nasunog" mahinang tugon ng isa sa kanila
"Yung mga yun hindi niyo nasalba pero yung mga camera at iba pang gamit for filming walang damage?! ANG TATANGA NIYO!" sabi ni Director bago nag-walk out.
Gusto kong sampalin yung director dahil hindi manlang siya magsalamat na lang dahil buhay pa siya hanggang ngayon at walang nasaktan sa staffs niya
"Nakakatakot yung sobrang tahimik mo KR" sabi ni Yugyeom na nasa harapan ko. Hindi ko ito pinansin at nanatiling tulala. Magdadalawang oras na kami dito at halos patayin ako ng sarili kong kaba dahil sa lalaking nasa loob ng emergency room
"Hyung kung ipa-check na kaya natin si KR. Baka bumalik yung trauma niya" sabi ni Youngjae na puno ng pagaalala. Napatingin ako sa kanya at pumilit na ngumiti
"Ayos lang ako Youngjae. Nabigla lang ako sa nangyari" dirediretso kong sabi. Nakita ko ang liwanag sa kanilang mga mata. Yumuko na lang ako dahil ayokong masalubong ang kanilang mga mata
Dumagdag pa ako sa alahanin ng Got7. Dapat maging malakas ako para sa kanila. Pagod na pagod na sila tapos nasunog pa yung mga videos nila na dapat kasama sa MV nila. Si Mark nag-aagaw buhay sa loob ng E.R. Kapatid na turingan nila kaya alam ko na mas higit pa ang nararamdaman nilang alala kesa sa akin
Pinunasan ko ang mga luha ko at pinakalma ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mata ko
ANO BA KR! Ngayon ka lang naging ganyan! Bata ka pa ba ha?! Napaka-iyakin mo! Ang hina hina mo! Ganyan ka ba lumaki? Hindi diba! Malakas ka KR. Maniwala ka sa sarili mo. Kaya mo yan. Be strong and be brave enough for yourself
Medyo lumuwang ang paghinga ko matapos kong sermonan ang sarili ko
Crazy right? Ganyan ako lagi dahil wala naman susuporta sakin kundi sarili ko lang
Dinilat ko ang aking mga mata. Saktong lumabas ang doctor sa E.R. Napatayo kaming lahat at tumingin sa kanya. Si Manager na ang lumapit sa doctor
"Doc kamusta po?" Panimula ni Manager. Tinanggal nung doctor ang mask niya at ngumiti ng makahulugan
"He is a very strong man. Napuno ng usok ang kanyang baga in that case ay pwede na siyang mamatay pero mabilis niya itong narelease ng makalanghap ulit siya ng oxygen. Konti lang din ang burns sa katawan niya and first degree burn lang. He is already stable but still under observation. Ililipat na po namin siya sa VIP room. Please excuse me" sabi ni Doc. Tumabi kaming lahat para makadaan si Doc. Tila binunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig ang lahat ng sinabi niya ganon din ang mga members
"Oh narinig mo yun KR? Maayos na daw si Mark Hyung" nakangiting sabi ni Bambam. Ngumiti ako ng tipid at tumango. Napatingin ulit kami sa pinto ng E.R ng muli itong magbukas
Nakahiga si Mark sa hospital bed habang nakapikit. May nakaka-kabit sa kanyang dextrose habang tinutulak ng mga nurse yung bed niya
"VIP A Room 107" sabi ng isang nurse. Tumango kaming lahat at pumunta sa room na iyon
Pagkadating dating namin sa room ay nandon na si Mark. Agad ko itong nilapitan at pinagmasdan. Tulad ko may mga paso din siya. Ang pinagkaiba nga lang sakin sa binti lang sa kanya sa magkabilang braso at binti. Walang oxygen na nakakabit sa kanya. Ibig sabihin ayos na talaga siya at hinihintay na lang namin siyang magising